Isang buwan na rin ang nakalipas mula ng dumating kami sa pilipinas. Naipakilala na rin ako ni dad sa lahat ng employees nya at papalit bilang ceo ng Greco empire. Simula nung gabing nagkausap kami ni ian ay bihira na lang kaming magkita dahil pag darating na ako sa bahay saka naman ito aalis para umuwi sa kanila. Halos araw araw pala ito kung bumisita sa mga anak namin at sakto naman na nasa opisina pa ako pag dumarating ito sa bahay.
Hi madi! Bati ni harry sa akin dahil nag aantay pala ito sa akin sa lobby ng building.
O, harry napadalaw ka?
Maaga lang natapos sa office kaya naisipan kong dumaan dito sa office mo. Pauwi ka na ba?
Oo. Bakit may kailangan ka ba?
Wala naman. Aayain lang sana kitang kumain sa labas. Saad ni harry habang napapa kamot pa sa sariling ulo.
Ah gabun ba, o sige. Bibilhan ko na rin ng pasalubong ang mga bata.
Saan mo ba gustong kumain madi?
Ikaw na ang bahala harry.
Okay maam. Nakangiting saad ni harry habang nagdadrive ito.
Sira. Saad ko nalang dito habang natatawa. Mabilis lang naman ang naging biyahe namin halos 10 minutes lang nakarating na agad kami sa mall.
Table for two. Saad ni harry sa staff ng restaurant.
This way mam and sir.
Anong gusto mong kainin madi?
Sige patingin ako ng menu. Isang Nanking beef and tendon with radish, isang stir fry beef with broccoli flower, isang yang chow fried rice at isang fresh mango tapioca.
Ganun na rin sa akin miss. Saad ni harry sa waitress.
Copy sir.
Grabe ang dami naman ng order mo. Mag tubig na lang kaya ako. Mamumulubi yata ako sayo eh. Pang aasar ni harry sa akin.
Wala pa akong sweldo kaya dapat ikaw muna magbayad. Natatawang saad ko kay harry. Nasanay na ako sa pagiging palabiro nito simula nung college days namin. Kaya comportable na rin ako ditong makipag usap, dahil bago palang ito nanligaw sa akin noon naging kaibigan ko muna ito.
Namiss kita madi! Nakangiting saad nito.
Hindi kita namiss harry. Pansin mo ba? Pangaasar ko dito.
Alam ko naman yon. Malungkot na saad nito.
Namiss rin kita harry. Natatawa na sabi ko dito.
Tsk. Alam ko naman na hanggang pagiging magkaibigan lang ang pagka miss mo sa akin eh. Naka ngusong saad nito.
Harry, akala ko okay na tayo na friends na lang.
Makaka move on ako sayo pag nakita kitang buo na ang pamilya mo madi. Saka lang kita titigilan nun.
Harry.
Hayaan mo na ako madi.
Pero masasaktan ka lang harry.
Alam ko. Tsk. Kumain na nga tayo lalamig na ang pagkain natin.
Hindi ko rin naubos lahat ng inorder ko kanina kaya tinake out nalang namin ito ni harry. Dumaan rin ako sa jollibee para bilhan ng pasalubong ang mga anak ko.
Harry thanks.
Thank you rin madi. Sige pasok kana sa loob bago ako umalis.
Ah okay. Thanks again bye.
Bye madi!
Nang nasa loob na ako ng gate ay nakita ko na ring umalis si harry kaya tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay.
Bakit ngayon ka lang dumating? Galit na bungad ni ian sa akin pag pasok ko palang ng bahay.
Kumain lang ako sa labas tapos bumili ako ng pasalubong ng mga bata. Kinakabahan kong paliwanag kay ian.
Umiiyak yong mga anak natin, hinahanap ka nila dahil maghapon ka nilang hindi nakita. Anong oras na. Tandaan mo madison. May mga anak ka na pero nakukuha mo pa rin lumabas kasama ng ibang lalaki. Hindi ka ba makapag hintay man lang na ma-annul muna ang kasal natin bago ka lumandi sa iba!
Wala akong ginagawang masama. Galit na saad ko kay ian pagkatapos ko itong sampalin.
Galit na galit itong tumingin sa akin saka walang paalam na umalis.
Nanghihina akong napa upo.Mommy! You bad! Umiiyak na saad ni kate sa akin ng mapatingin ako dito.
Kate anak! Tawag ko dito.
No, bad mommy! You hurt didi. I want didi. Didi, didi. Umiiyak na saad nito. Kaya napa iyak na rin ako dahil kahit anong paliwanag na gawin ko ay hindi rin nito maiintindihan.
Madison anak. Nagaalalang mukha ni mommy ang bumungad sa akin.
Mommy, nakita ni kate na sinampal ko si ian.
Ano bang nangyari? Kararating mo lalng ba? Bakit ngayon ka lang dumating?
Nag aya po kasi si harry na kumain sa labas. Tapos pag dating ko dito nandito pala si ian tapos nasampal ko siya dahil akala nya nakikipag mabutihan ako kay harry. Hindi ko alam nakita pala ni kate.
Dapat kasi anak nagpaalam ka dito saamin. Kanina ka pa hinihintay ng mga bata si ian ang nag aasikaso sa kanila dahil tuwing alas singko nandito na siya para makipag bonding sa mga anak nyo.
Didi, didi, want didi. Patuloy pa rin na umiiyak si kate.
Hush apo. Tatawagan natin ang daddy mo halika kay mommyla. Kaya lumapit naman ito kaagad kay mommy.
Mommy akyat na po muna ako, magbibihis lang po ako. Paalam ko kay mommy.
Sige na ako na ang bahala dito. Saad ni mommy habang kalong si kate.
Didi. Didi. Come, want you here. Didi. rinig kong saad ni kate habang kausap sa telepono ang daddy nya.
Didi cry, mommyla. Mommy hurt didi. Love didi. Rinig ko pang sumbong nito kay mommy. Hindi na ako magtataka kung lalaki itong daddy's girl. Dahil halatang halata naman ito kahit maliit pa at nasa ama na ang simpatya nito.
Hush baby kate. Your Mommy love your didi. Saad ni mommy dito.
Nakahiga na ako ng makarinig ako ng pumasok sa loob ng kwarto, hindi ko na ito pinansin dahil tinatamad na akong idilat ang mga ko at naramdaman ko rin na tumabi sa akin ang taong yon. Pero dinuduyan na ako ng antok.
Im sorry sweetheart. I love you so much. Nasaktan na naman kita kanina. Rinig kong bulong nito sa akin at naramdaman ko pang hinalikan pa ako nito sa labi.
Didi, love you.
I love you too princess. Rinig kong usapan ng mga ito hanggang sa ginupo na ako ng antok.
Happy reading guys.😘😘😘
Medyo busy lang kaya matagal makapag update...
Please vote, comments and follow my account for more updates 🥰🥰🥰
Stay safe.

BINABASA MO ANG
My Cold Husband
RomansaPlease ian, mahalin mo naman ako. pagmamakaawa ko kay ian. Gagawin ko lahat ng gusto mo, lahat lahat. umiiyak kong pakiusap sakanya. Gagawin mo lahat? lahat lahat? okay, kill yourself. Yan ang gusto kong gawin mo. Ang mawala ka sa buhay ko.