Nanlalaki ang mga ni Madison sa mga naririnig na usapan sa loob ng library.
Bakit hindi mo na lang mahalin ang anak ni don Charlie total naman kasal na kayo at may anak na rin kayo.
Hindi kita binabayaran para pangunahan ako sa mga bagay na dapat kong gawin. Will you please stop with your bullshit word! Galit sa wika ni ian.
To tell you honestly.
I'm sorry Mr. Saavedra, pero bago palang kayo makasal ng anak nya, alam na nya na ikaw ang lihim na bumili ng 40% na shares sa company nya.What do you mean? Isa ka ba sa nasilaw sa pera nya at trinaydor mo ako?! Galit na saad nito.
I'm sorry Mr. Saavedra, Pero masyadong mabangis na kaaway si Don Charlie at kahit ako ay hindi umubra sa bangis nya. Malakas ang hawak nyang alas sa akin.
Alam kong inaantay lang ng don ang iba mo pang hakbang. Malaki naman ang ari arian mo bakit kailangan mo pang kunin ang kompanyang pag aari ni Don Charlie?
Hindi mo alam ang pinag daanan ko! Nang dahil sakanya, namatay ang mga magulang ko. Dahil hindi siya makuntento sa isang asawa at ginawa nya pang kabit ang ina ko. At ng dahil sakanya kaya namatay ang mga magulang ko. Kaya sisirain ko lahat ng importante at mahalaga sa kanya.
Hindi na kinaya ng puso at isip ni madison ang lahat ng mga narinig nya na pinag usapan ng dalawa kaya tahimik itong umakyat sa kwarto ng mga anak at pinalabas ang mga yaya nito. Saka doon ito umiyak ng umiyak.
I know you heard everything. Nakita kitang lumabas sa library. Saad ni ian sa akin.
Please ian, mahalin mo naman ako. pag mamakaawa ko kay ian. Gagawin ko lahat ng gusto mo, lahat lahat. umiiyak kong pakiusap sakanya.
Gagawin mo lahat? lahat lahat? okay, kill yourself. Yan ang gusto kong gawin mo. Ang mawala ka sa buhay ko.
Kaya pala hindi mo man lang ako minahal! At ngayon gusto mo pa akong mamatay! hindi ko man lang narinig sayo ang tatlong salitang yon. dahil una palang pala ginamit mo na ako. Sinadya mo lahat, plinano mo lahat pati pagsira sa akin. Pati ang pagkakaroon natin ng anak planado mo lahat at hindi ka pa nakuntento gusto mo pang kunin pati ang companya na hindi sayo!
Sige! Kunin mo lahat ng kayamanan ni daddy, tutal naman mukha kang pera! Pinagsisisihan ko na nakilala kita! pinagsisihan ko na minahal kita! Pinagsisisihan ko na ibinigay ko sayo lahat, pati ang pagkatao ko! Pinagsisisihan ko lahat lahat ng tungkol sayo!
Sana, sana pala si harry nalang ang minahal ko dahil kahit kailan, minahal nya ako kahit mahirap lang ako noon. Kinasusuklaman kita ian! Hinding hindi kita mapapatawad! Ikaw ang pinaka masamang lalaki na nakilala ko!
Hinding hindi na ako lalapit sayo! At lahat ng anak ko sa akin mapupunta.Hindi ako papayag na mapunta sayo ang mga anak ko madison. Saad ni ian.
Sa akin ang mga anak ko. Dahil ayoko silang matulad sa kagaya mo!
Tandaan mo Christian Lee Saavedra. Darating ang araw na iiyak ka sa paanan ko, luluhod ka sa harapan ko makuha mo lang ang kapatawaran ko na kahit mamatay ka pa ay hinding hindi ko ibibigay sayo dahil hindi kita mapapatawad! Inalis mo ang pagiging inosenti ko sa lahat ng bagay, pinuno mo ng galit ang puso ko.
Suklam na suklam ako sayo! Humahagulgol na iyak ni madison.Habang tulala lamang si ian na nakatayo sa harapan ni madison.
Nang nasa baba na ang mag iina saka lamang natauhan si ian at hinabol ang pasakay na sa sasakyan na si madison.
Sweetheart, im sorry! Please bumalik ka! Hindi ko sinasadya. -ian
Maam, tinatawag po kayo ni sir. Wika ng driver kay madison.
Huwag kang hihinto, i-diretso mo lang! Galit na sabi ni madison sa driver.
Hindi ko kayang mawala kayo please sweetheart. Magbabago na ako! Please wag lang kayong umalis, huwag mo kong iwan madison i love you i really do noon pa. Umiiyak na wika nito pero naka alis na ang sinasakyan ng mag iina nya.
Mommy! Tawag ni madison sa ina ng makarating ito sa mansyon kasama ang mga anak.
Anak! Anong nangyari? Tanong ni lalaine sa anak. Samantala nakakuyom naman ang kamao ni Don Charlie dahil may alam na ito sa nangyayari sa pinaka mamahal na anak.
Mommy, pwede nyo po bang dalhin sa kwarto ko ang mga baby ko? Kakausapin ko lang po si daddy! Umiiyak na pakiusap ni madison sa ina.
Nang maka alis na si lalaine ay saka palang nagsalita si madison sa ama.
Daddy, i want to know the truth? Nakipag relasyon ka ba sa mommy ni ian?
No! Ang mommy mo lang ang minahal ko bukod sa mommy ng kuya mo.
Hindi ka ba nagsisinungaling dad? Hindi ko na kasi kaya kung pati ikaw nagsisinungaling sa akin. Umiiyak na saad ni madison.
Wala kaming naging relasyon ng mommy ni ian anak. Matalik kong kaibigan ang daddy nya at ang mommy nya naman ay matagal ng gustong makipaghiwalay sa ama ni ian dahil sinasaktan ito palagi ng ama ni ian hindi ito alam ni ian. At humingi ng tulong sa akin ang ina niya para hindi na siya tuluyang habulin ng daddy ni ian, ay nagpanggap itong may nangyari sa amin. Nang sa ganun pandidirihan na siya ng ama ni ian at pwede na siyang magpaka layo layo dito kasama ng anak. pero nangyari ang araw na yon na naaksidente ang mga magulang nya na ikinamatay ng mga ito pareho.
Im sorry anak, nakilala kong mabait si ian pero hindi ko akalain na itutuloy nya ang mga plano nya. Im sorry anak, hindi ka naprotektahan ni daddy.
Sobrang sakit dad! Parang hindi ko na kaya.
Dad, i remember before, you once said na babawi ka sa akin at ibibigay mo ang gusto ko. Dad, i wanna ask you a favor. pwede mo bang ibigay na lang kay ian ang company mo then umalis na tayo dito dalhin nyo ko ni mommy sa malayo kasama ng mga baby ko. Please dad! Umiiyak na pakiusap ni madison sa ama.Oo anak, gagawin ni daddy ang lahat para sayo. Saad ng don at niyakap ang lumuluhang anak.
Samantala umiiyak naman si lalaine habang nakikinig sa pag uusap ng mag ama nya at lumapit na ito para payapain ang nararamdaman ng anak.

BINABASA MO ANG
My Cold Husband
RomancePlease ian, mahalin mo naman ako. pagmamakaawa ko kay ian. Gagawin ko lahat ng gusto mo, lahat lahat. umiiyak kong pakiusap sakanya. Gagawin mo lahat? lahat lahat? okay, kill yourself. Yan ang gusto kong gawin mo. Ang mawala ka sa buhay ko.