Chapter 24 My Cold Husband

1.9K 43 2
                                    

Sa mga nakaraan na limang buwan na pagsasama namin ni ian, naging maayos naman ito. Nabawasan rin ang pagiging masungit nito sa akin hindi tulad nung una namin na pagkikita.

Kahit na may tantrums ako minsan ay hindi ako nito pinapatulan at ng minsang naman na mamili kami ng damit para sa baby namin, hinayaan nya lang akong pumili ng mga gamit para sa baby namin.

hindi ka ba nahihirapan na maglakad lakad sweetheart? Tanong ni ian sa akin.

Hindi naman at saka mas kailangan kong maglakad lakad para hindi ako mahirapan sa panganganak.  Sagot ko kay ian. Masyado kasing malaki ang tiyan ko at ayoko naman magpa ultrasound dahil gusto kong surprise ang gender ng magiging baby namin ni ian.

Gusto mo bang maupo muna? Tanong nito ng maglakad lakad kami sa mall para mamasyal.

Sige. Sagot ko kay ian.
At habang paupo na kami ay inalalayan nya ako at hawak ng kamay nya ang mabigat kong tiyan.

Ohh! Gulat na sigaw ni ian ng maramdaman nyang may sumipa sa kamay nya at ito'y walang iba kundi ang anak nila na nasa tiyan pa ni Madison.

Aww. Medyo makirot pag gumagalaw sila. Sabi ko kay ian.

Huwag malikot baby, nasasaktan ang mommy natin. Kausap ni ian sa tyan ko.

Kelan ang due date mo sweetheart?

This week. Awww. Sigaw ko ng biglang sumakit ang tiyan ko. Napapa pikit ako sa sakit. Awww! Ian sobrang sakit na manganganak na yata ako.

What?! Oh my god.

Ian! Bring me to the hospital. Hindi ko na talaga kaya, sobrang sakit na.... Sigaw ko kay ian dahil hindi man lang ito kumikilos.

Ohhh okay, Im sorry. Hold on sweetheart malapit na tayo. Nalilitong sagot nito sa akin.

Arayyy ang sakit na ian....

Malapit na tayo baby, kaunting tiis na lang.

Hu, hu, hu, arayyyyy. Sigaw ko dahil sa sobrang sakit na ng tiyan ko.

Please assist my wife. Manganganak na siya. Galit na utos ni ian sa doctor na nakasalubong namin.

Yes sir. Sagot nito kay ian.
Nurse! i need a stretcher right now. Sigaw naman ng doctor sa assistant Nurse nito.

Pakitawag si doctora santos. Siya ang doctor ng asawa ko. Utos ni ian sa nurse na nasa receiving area. At nang papasok na kami sa loob ng labor room ay hindi ko binitawan ang kamay ni ian.

Sir bawal po kayo sa loob. Saad ng nurse.

No! Samahan mo ko ian, natatakot ako. Sabi ko naman kay ian.

Sasamahan ko ang asawa ko.

Pero sir.

I owned this hospital. Saad ni ian sa nurse. Kaya tuluyan na rin na nakapasok si ian.

Okay push Mrs Saavedra. Malapit na kunting push pa madison! Utos ng doctora.

Inhale then push ng malakas! Dagdag pa nito.

Ahhhhhhh ahhhhhh arayyyy. Sigaw ko habang hawak hawak ko ang kabilaan na kamay ni ian at lahat ng sakit na nararamdaman ko ay sakanya ko ibinubuhos.

Ayan na madison, it's a boy. At biglang umiyak ng malakas ang bata.
Time of birth 5:55pm

Aray. Masakit pa rin ang tiyan ko muli kong sigaw.

Another push madison, may isa pa.

Inhale then push again.

Ahhhhh, ahhhhh, ahhhh. Hinang hina kong iri.

It's a girl madison. Rinig kong sabi doc.
Time of birth 5:57pm
Congrats cris you have a complete family.

My Cold HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon