Omma, tawag ko kay mommy pagdating ko sa bahay.
Bakit ganyan itsura mo? Tanong ni mommy saakin.
Nakaka pagod kaya. Reklamo ko. Maghapon akong inutusan doon hindi na nga ako nakakain ng tanghalian. May mga paltos pa ang paa ko, puro lakad kasi ginawa ko.
Oh, di magpahinga kana maghahanda lang ako ng kakainin natin.
Anong ulam natin mhe?
Syempre ang paborito mo kasi napagod k maghapon.
Kaya naman mahal na mahal kita mhe eh. Ikaw ang pinaka the best na mommy sa buong mundo.
Naku, inuuto mo na naman ako anak.
Naku, hindi kaya, kahit na wala akong daddy, may mommy naman ako kaya okay lang.
Nakaka lungkot man isipin pero ang mommy ko lang talaga ang nag alaga at suporta sa akin simula ng ipinanganak ako. Kaya napaka laki ng respeto ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung nasaan lupalop ng mundo ang tatay ko. Tutal hindi naman siguro kami mahalaga sakanya kaya hanggang ngayon hindi ko pa siya nakikita. Okay lang naman kung hindi ko siya makita.
Anak, tulala ka na jan. Wika ni mommy kaya nagising ako sa pag iisip.
Mom, kahit minsan po ba naisip nyo rin na mag asawa nung mga panahon na nahihirapan na kayo masuportahan nyo lang ako?
Hindi ko na naisip yon anak ang importante sa akin ang mapalaki kita ng maayos. Sagot ni mommy.
Thank you mom. I love you saad ko sabay halik sa pisngi ni mommy.
Anak, gusto mo bang makilala ang daddy mo? Tanong no mommy.
Hindi ko po alam mhe. Sagot ko kay mommy.
Kung darating ang araw na gusto ka nyang makilala, papayagan mo ba siya anak?
Mom, dapat ko po ba siyang payagan? Kayo po ang nagpaka hirap para sa akin. Kaya kayo po ang mas nakaka alam ng ikabubuti ko mom.
Ang totoo nyan anak kagagaling lang ng daddy mo dito. Gusto ka nyang makilala.
Bakit ngayon lang po siya nagpakita mom? Kung kelan maayos na tayo.
Ako ang may kasalanan kung bakit hindi mo siya nakilala agad anak, noong kasing edad kita minahal ko na ang daddy mo at kahit may asawa na siya pumatol parin ako sakanya hanggang sa ikaw ang naging bunga, nang malaman ng mga magulang ko na nabuntis ako ng daddy mo tumutol sila dahil may pamilya na ito. Para maka iwas sa kahihiyan. ang tita elaine mo ang ipinalabas nila na mommy mo, ngunit ng mamatay ang parents namin kinuha kita ulit kay tita elaine mo. simula noon hindi na ako pumayag na magkahiwalay pa tayo at hindi ko rin ipinaalam sa daddy mo na nagkaroon kami ng anak at ikaw yon. Mahabang kwento ni mommy.
Pano nya po nalaman ngayon?
Dahil kay ate ara mo anak.
Ano pong kinalaman ni ate ara sakanila mom?
Ang ate ara mo ang naging asawa ng anak ng daddy mo at inakala nya na anak nya rin si ate ara mo dahil nagpalit kami ng tita elaine mo ng pangalan ng mga panahon na yon. dahil sa labis kong pagmamahal sa daddy mo kahit my asawa na ito, nagpanggap ako bilang elaine para lang malapitan ko ang daddy mo anak at ng mabuntis ako saiyo hindi na ako nagpakita pa sakanya.
Patawarin mo ako dahil nilihim ko ito sayo ng matagal na panahon.
Huwag na po kayong umiyak mhe, wala po akong sama ng loob sainyo. Mahal ko po kayo dahil nag iisa lang po kayong naging magulang ko simula pa noon. Umiiyak kong saad kay mommy.
Anak gusto ka nyang makita. Hindi kita pipilitin kung hindi ka pa handa.
Pag iisipan ko pa po mommy.
BINABASA MO ANG
My Cold Husband
RomancePlease ian, mahalin mo naman ako. pagmamakaawa ko kay ian. Gagawin ko lahat ng gusto mo, lahat lahat. umiiyak kong pakiusap sakanya. Gagawin mo lahat? lahat lahat? okay, kill yourself. Yan ang gusto kong gawin mo. Ang mawala ka sa buhay ko.
