Halos mag dadalawang buwan na rin ang nakakaraan ng lumipad papuntang france ang parents ni madison. Nang araw kasi na umuwi sila ni ian galing Europe ay siya namang lipad ng parents ni madison para magbakasyon. Kaya nagkasalisi sila.
Nalaman nya na lang na umalis ang mga magulang ng tinawagan siya ng kuya nya para doon muna tumuloy sa bahay ng mga ito dahil wala raw siyang kasama bukod sa mga kasambahay. Pero tinanggihan nya ito dahil mas gusto niyang doon lang sa mansyon. Kaya wala rin nagawa ang kuya nya kundi pumayag na rin.
Sweetheart, hindi ka ba papasok? Tanong ni ian sa akin sa telepono dahil talagang tinamaan ako ng katamaran at gusto ko lang ay matulog madalas. pakiramdam ko kasi ay lagi akong inaantok. Ayoko ko rin naman magpa check dahil nung bata pa ako ay suki kami ni mommy sa ospital kaya hanggat maaari ayokong nagpupunta sa ospital.
Hindi, dahil inaantok pa ako gusto ko pang matulog.
Nag breakfast kana ba?
Hindi pa, mamaya na lang matutulog pa ako.
It's 11am already madison. Hindi ka pwedeng magutom. Naiinis na wika ni ian.
Magdadiet na muna ako dahil malaki na itinaba ko.
Hindi ka pwedeng magdiet madison. Kailangan mong kumain ng tama sa oras.
Oo na. Napaka kulit, sobra. Basta dalhin mo dito yang suot mo na damit ngayon para makatulog ako ng maayos mamayang gabi. Tapos umuwi kana rin agad sa bahay mo, ayoko ko kasing nakikita ang mukha mo naiirita talaga ako.
Fuck! Rinig kong mura ni ian.
Hay naku Saavedra, panay na naman ang fuck mo jan. Sino kasama mo jan sa office mo ngayon? Sinasabi ko sayo tatang...
Stop it. Wala akong babae. Ikaw lang ang babae ko. Putol nito sa sinasabi ko.
Okay, i love you. Magdala ka ng pasalubong ha. Naka ngiting sabi ko dito.
Anong pasalubong?
Gusto ko ng apple na walang buto at avocado shake.
Okay. Kumain ka na ngayon. Wag kang magpapalipas ng gutom.
Oo na, babye na. Kulit naman talaga.
Bye. Sagot nito.
Hindi ko alam kung bakit parang gustong gusto ko ang amoy ni ian kaya ginagawa kong pantulog ang damit niyang bagong hubad. Kaya habang tinitingnan ko ang mga tambak nyang damit dito sa kwarto ko ay kulang na lang na dito na rin siya tumira.
Mamaya nga ipa uuwi ko na ang mga ito sakanya.
Hay, nakaka tamad talagang bumangon. Bakit kaya pag tumataba pati dibdib lumalaki. Kausap ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin sa loob ng kwarto ko.
Nana! Tawag ko sa matandang katiwala dito sa mansyon.
Madi anak! May kailangan ka ba?
Kumain na po ba kayo? Ano pong ulam natin? Naka ngiti kong tanong dito.
Ayy kumain na ako anak. Nagluto ako ng buffalo wings. Diba gusto mo iyon?
Wow! Ang galing naman nana. Gusto ko po yon. Kaya ako tumataba dahil masarap po kayong magluto eh.
O sige anak kukuha lang ako sa kusina.
Okay po.
Nang matapos kumain ay iniligpit na ni madison ang pinag gamitan nya at saka lumabas ng bahay at naglakad lakad sa garden ng mommy nya.
Ang sarap naman ng ganitong buhay. Kumain, matulog at kumain at matulog ulit. Saan kaya masarap pumunta. Tanong ko sa sarili.
Habang nag iisip ng pwedeng puntahan ay may naulinigan si madison na dumating na sasakyan sa garahe nila kaya tiningnan nya ito.
Mommy! Sigaw niya ng makita ang inang dumating.
Anak! Namiss kita. Nakangiting saad ni lalaine.
Hello Princess! Namiss mo ba si daddy? Tanong ni don Charlie.
Ang daya nyo hindi nyo ako sinama. Nagtatampo kong sabi sakanila sabay yakap sa mommy nya.
Madison! Gulat na sabi ni lalaine ng mayakap ang anak dahil parang kinabahan ito sa laki ng pinagbago ng katawan ng anak nya. Halika ka anak pumasok na tayo sa loob. Mag usap tayo mamaya.
Yes mom. Nakangiting sagot ni madison at hindi nahalata ang reaksyon ng ina.
Mommy! Yong pasalubong ko. Marami ka bang chocolates?
Marami anak, alam kong gustong gusto mo ang mga iyan. May mga binili rin akong damit kaso mukhang hindi mo naman na maisusuot pa.
Talaga mommy. Wow naman, the best ka talaga mom. Sabay yakap ko ulit kay mommy pero nagulat ako ng hawakan nito ang tiyan ko at naluluhang naka tingin sa akin.
Bakit mom? Kunot noong tanong ko dito.Anak, my boyfriend ka na ba?
Wala po mom. Naka yuko na sagot ko.
Kung ganun anak, sino ang ama ng ipinagbubuntis mo? Parang galit na tanong ni mommy.
Nanlalaki ang mga mata ni madison sa sinabi ng mommy nya at parang ngayon lang rumihistro sakanya ang mga ginawa nila ni ian.
Mom, hindi ko alam.What? Panong hindi mo alam kung sino nakabuntis sayo?!
No, i mean yes. Naguguluhan kong sagot kay mommy.
Ipaliwanag mong mabuti madison! Galit na sabi ni mommy.
Hindi ko alam na buntis ako mom. At saka pano? Gaano kayo kasigurado na... Na buntis nga ako. Kinakabahan na sabi ko kay mommy.
Anak, malaki na ang tiyan mo at hindi tulad ng ibang babae na malaki lang ang tiyan. Dahil nanay mo ako at ipinag buntis kita noon. Alam ko kung buntis ang isang tao anak o hindi.
Mommy! Natatakot ako. Umiiyak kong sabi kay mommy.
Bakit? Paano nangyari yon anak? Wala ka namang boyfriend diba?
Mommy si ian kasi.
What do you mean? Si ian?
Opo mommy. Sorry po. Hindi ko alam. Akala ko normal lang ang pagbabago ng katawan ko kasi malakas akong kumain ngayon. Umiiyak kong sabi kay mommy.
Kailangan itong malaman ng daddy mo anak. Wika ni mommy at lumabas na ito ng kwarto ko kaya sumunod ako dito.
Pero pagbaba namin sa sala ay naabutan namin na masayang nag uusap si daddy at ian.Daddy! Tawag ni mommy kay daddy.
We need to talk. Saad ni mommy at lumapit rin ito kay ian at sinampal ito ng malakas.Mom! Sigaw ko pero hindi ako pinansin nito. Kitang kita ko ang gulat sa mukha ni ian.
Wag na wag kang aalis jan. Utos ni mommy kay ian habang nanlilisik ang mga mata nito sa galit.
Sa library tayo honey. Utos ni daddy dito at pumasok na ang mga ito doon.
What happen sweetheart? Tanong ni ian sa akin at lumapit ito sa akin.
Sabi ni mommy buntis raw ako, hindi ko alam, hindi pa naman sigurado kasi hindi pa ako nagpapa check up. Ian anong gagawin ko? Umiiyak kong tanong dito.
Lets get married! Malamig na sabi nito kaya napa angat ang ulo ko at tumingin ako sa mga mata nya.
Hindi yon ganun kadali.
Why? Do you have any solution? Tanong nito sa akin.
Do you love me? Balik tanong ko sakanya.

BINABASA MO ANG
My Cold Husband
RomancePlease ian, mahalin mo naman ako. pagmamakaawa ko kay ian. Gagawin ko lahat ng gusto mo, lahat lahat. umiiyak kong pakiusap sakanya. Gagawin mo lahat? lahat lahat? okay, kill yourself. Yan ang gusto kong gawin mo. Ang mawala ka sa buhay ko.