Chapter 1
"Kuya, pwede po bang ituro niyo sa amin yan?" tanong ng isa sa mga batang nanonood kay Mike na maglaro ng bola ng soccer kahit na mabuhangin. Kasalukuyan silang nasa tabing dagat ngayon at nagpapalipas ang oras bago sumapit ang hapunan.
"Oo naman. Basta magbabait kayo sa akin para mabilis kayong matuto." Nakangiting sagot ni Mike sa bata. Tumalon naman sa tuwa ang mga bata dahil may bago na naman silang larong matutunan ngayon. "Pero bago yon, may ipapakilala muna ako sa inyo."
Itinuro ni Mike ang isang lalaking naglalakad at may hawak ng tray ng pagkain. Lumingon naman ang mga bata sakanya. "Sino po yon?" tanong ng isang bata.
"Magaling din yan mag soccer. Ipapakita ko sa inyo kung gano gaano siya kagaling sumipa." Sabi ni Mike sa mga bata.
"Hoy Gabby!" sigaw ni Mike para makuha ang atensyon ng kanyang kaibigan. Napalingon naman si Gabby. Sumenyas si Mike na pumunta siya sa kinaroroonan niya. Naiinis namang lumapit si Gabby dahil alam niyang may kalokohan na namang balak itong si Mike.
"Ano?" naiiritang tanong ni Gabby at salubong na ang kilay nito.
Kinuha naman ni Mike ang hawak na tray ni Gabby at inilagay sa pinakamalapit na lamesa sa kanila. Nagtataka naman si Gabby sa ginawa ng kaibigan. Ipinuwesto ni Mike ang bola sa harap ni Gabby.
"Ipakita mo sa mga bata na to kung gaano kalayo mo kayang sipain yan." Nakangiting sabi ni Mike at tinapik pa ang balikat ni Gabby. Sandali pang napatingin si Gabby sa mga bata na naghihintay sa kanya at kay Mike na wagas parin kung makangiti sa kanya. Napakamot naman ng ulo si Gabby tsaka pumwesto ng ayos sa tapat ng bola. Sinipat ng maigi ni Gabby ang target niyang bangka na nasa pampang. May kalayuan ang pwesto nito at doon niya balak makarating ang bolang kanyang sisipain. Nagbilang sa isip si Gabby at tsaka siya bumuwelo at sinipa ng malakas ang bola.
"OH MY GOD!!" isang malakas na sigaw ng babae ang narinig nilang lahat. Kita sa muka ng mga bata ang gulat at pati narin sa muka ni Mike ngayon. Natataranta pa ito. Hindi malaman ni Mike kung maglalakad ba siya paabante o patalikod. Samantala si Gabby naman gulat ding nakatayo at nakatingin sa lalaking nakahiga na sa buhanginan.
"Hala. Ang galing nga." Sabi ng isang bata habang napapanganga sa nakita niya ngayon. Isang lalaki ang nakahiga na ngayon sa buhanginan.
Ang malakas na pagtama ng bola sa ulo ng lalaki ang nakapagpatumba dito. Sigurado si Gabby na mamaya pa magigising ang lalaking tinamaan niya ng bola. Hindi nila namalayan kanina na ang lalaking iyon ay naglalakad papunta sa dagat. Hindi naman napansin ng lalaki na tatamaan siya bola sa muka.
Naglapitan naman ang mga magulang ng mga bata at sinundo ang mga ito tsaka umalis.
Manager ng resort na iyon ang sumigaw kanina. Kasama nito ang lalaking tinamaan ng bola. Agad dumating ang mga staff at dinala ang lalaki sa clinic ng resort.
Napakunot nalang ng noo si Gabby at nagbuntong hininga tsaka lumingon ng masama kay Mike.
"S-sorry. Hindi ko naman alam eh. Hehehe "napakamot nalang ulo si Mike at hindi malaman ang gagawin.
Mabilis na nakuha ni Gabby ang tsinelas niya at pinaghahampas si Mike.
"Aray! Teka sandali! Malay ko bang may lalaking haharang don!" patuloy na umiiwas si Mike sa mga hampas ni Gabby pero natatamaan parin siya nito.
"Gago mo! Anong hindi alam ha? Eh ikaw tong nasa likod ko lang! Syempre makikita mo yon!" malalakas na hampas pa ang ginagawa ni Gabby sa kaibigan niya. Hindi pa nakuntento si Gabby at akma nitong kukuhanin ang isa pa niyang tsinelas. Dahil doon ay nagkaroon ng pagkakataon si Mike na makatakbo.
BINABASA MO ANG
The Melodrama of Fate
Fanfiction[SPG|Mature Content] This is a story about fighting for their love with all courage and responsibilities. Karma will always be their twin every time they go against their fate.