Chapter 21
Mag-isang naglalakad si Seth sa maalikabok na daan. Pinag-mamasdan niya ang malawak na palayan ng kanyang lola na tinataniman naman ng kanyang tiyo. Malapit nang lumubog ang araw at kagigising lamang niya mula sa pagkaka-idlip. Kaninang umaga nauna nang umuwi sina Leila at Christine sa Makati. Samantala, nagpaiwan naman si Seth at hindi pa niya alam kung ilang araw pa siyang mamamalagi dito sa kanyang probinsya. Sinabihan naman siya nina Chritine at Leila na bumalik na siya agad bago pa matapos ang photoshoot para sa spring issue nila ngayong darating na October. Hindi sigurado si Seth kung makakabalik nga ba siya sa Makati bago matapos ang shoot para sa bagong magazine.
Napabuntong-hininga na lamang si Seth bago siya maupo sa isang kubo at pinagmasdan ang kulay kahel na kalangitan at ang mga ibong lumilipad. Mabuti pa ang mga ibon, payapa ang buhay nila ngayon. Ipinikit ni Seth ang kanyang mga mata at sumandal sa sandalan ng kanyang inuupuan habang pinakiramdaman ang ihip ng hangin. Magmula noong nakilala niya si Zion, sunod-sunod na mabibigat na araw ang nangyari sa kanya. Ngayon na lamang siya nakaramdam ng pahinga ngunit sa magaan niyang pakiramdam ngayon bakit parang may kulang pa rin na gusto niyang punan? Ilang araw na naman siya rito sa probinsya at ang bagong paligid at mga taong nakikita niya ay nakakapag-pawala ng mga mabibigat niyang nararamdaman. Isama pa ang mga araw na naririto si Leila kasama ng kanyang lola. Mas lalong sumigla ang bahay ng lola niya dahil sa kaingayan ni Leila. Pero ngayong mag-isa na siyang kasama ulit ang lola niya ay parang unti-unti na namang bumabalik ang pakiramdam na may dinadala siyang mabigat sa kanyang dibdib.
Kinabukasan na ang photoshoot na magaganap sa Sirao na sa Visayas. Mayroon pa siyang tatlong araw para manatili sa kanyang lola. May parte sa kanya ang gusto nang umalis sa trabaho. Ngunit paano na ang lola niya kung aalis siya sa trabaho? Tanging siya na lamang ang inaasahan nito. Isa pa, masayang-masaya ang lola niya na nagkaroon na siya ng trabaho pagka-graduate niya sa kolehiyo. Isa din sa pangarap niya ang makapag-trabaho sa malaking entertainment ng JN.
May ilang minuto pang nanatili si Seth sa kanyang pwesto. Hinawakan niya ang kwintas na nakasabit sa kanyang leeg. Ang kwintas na isinauli sa kanya ni Jennifer. Hanggang ngayon iniisip niya pa rin kung bakit napagkamalan ni Jennifer na sa kanya ang kwintas na hawak niya ngayon. Nagtataka rin siya kung bakit mayroong initials ito ng pangalan niya at kapareho pa ng kaarawan niya ang petsa na nasa pendant nito. Gusto niya din malaman kung bakit nasa condo ito ni Zion. Hindi kaya pinasadya itong ipagawa ni Zion para sa kanya? Napatawa naman si Seth sa kanyang naisip. Imposible namang gawin yun ni Zion. Malinaw pa sa utak niya kung paano halikan at hawakan ni Zion si Jennifer noon. Ni hindi na nga niya alam kung sino pa ba sa kanila ni Jennifer ang niloloko ni Zion. O baka naman silang dalawa ni Jennifer ang pinagmumukang tanga nitong si Zion? Napailing nalang si Seth bago tumayo at napagpasiyahan nang umuwi sa kanila. Dumidilin na at walang street light sa daan papunta sa bahay nila.
Naabutan niyang naghahain na ng pagkain ang kanyang lola sa hapag. "Saan ka galing apo?" tanong ng lola ni Seth. Ngumiti naman si Seth at niyakap ang kanyang lola. "Sa may palayan lang po. Nagmuni-muni lang ako doon sandali." Sagot ni Seth bago tumulong sa paghahanda ng mga pagkain sa lamesa. "May problema ka ba? Kaninang umaga ka pa matamlay." Muling tanong ng kanyang lola. Umiling naman si Seth at naupo sa upuan sa harap nang lamesa. Ipinagsandok niya ng kanin at ulam ang kanyang lola bago siya naglagay ng kanya. Nagpakawala na lamang ulit ng ngiti si Seth at kumain. Masaya lamang silang nag-usap ng kanyang lola tungkol sa trabaho nito sa JN at ang buhay niya sa Makati.
--
Habang hawak ang isang baso ng wine, tahimik lamang na nakatingin si Zion sa tubig ng swimming pool. Ilang araw na siyang kulang sa tulog at walang tigil sa pag-iisip kay Seth. Sinubukan niyang tanungin kahapon ang isa sa mga katrabaho ni Seth kung nasaan ito pero ang tanging sagot na nakuha niya ay nasa probinsya at nagpapahinga lang. Hindi na niya nalaman kung kailan ito babalik. Sinubukan na niyang tawagan si Seth pero hindi ito sumasagot sa kanya. Gusto niyang maka-usap si Seth tungkol sa nakita nitong ginagawa nila ni Jennifer sa condo nito. Kahit hindi niya alam kung paano iyon sisimulan at kung kung paano niya ipapaliwanag. Ang gusto niya lamang ay ang maka-usap ulit ito at maayos ang relasyon nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
The Melodrama of Fate
Fanfiction[SPG|Mature Content] This is a story about fighting for their love with all courage and responsibilities. Karma will always be their twin every time they go against their fate.