Chapter 4

19 2 0
                                    

Chapter 4

Nag-papalit-palit ang tingin ni Gabby sa papel na hawak niya at sa batang nakatayo sa harap niya habang nakaka-titig lang ito sakanya. Kanina pa siya tinititigan ng bata at hindi na natutwa si Gabby sa ginagawa nito kaya inilapag niya muna ang papel na hawak niya at tinitigan din ang bata. Kanina pa siya na-iistorbo ng batang babae na'to. Mula kaninang umaga ay kasama na niya ang batang babae na ito sa opisina. Maingay pa itong nag-lalaro sa tapat niya dahil nandoon ang couch at may lamesa sa harapan. Ibinilin sa kanya kanina ni Matthew ang batang babaeng nasa harapan niya ngayon.

Hindi mag-papasindak si Gabby sa batang babae kaya inilapit nito ang muka niya sa bata at sinamaan pa ng tingin. Tinitigan niyang mabuti ang mga mata ng batang babae. Sa isip ni Gabby ay walang pinag-kaiba ang mga mata ng batang babaeng ito sa mata ni Matthew dahil parehas lang itong nakaka-inis na maningin.

Hindi din naman nagpa-sindak ang batang babae at tinaasan naman niya ng kilay si Gabby tsaka pinanlisikan ng mata. Nag-cross arms pa ito at tumingala kay Gabby. May ilang segundo silang ganoon ang pwesto tsaka nag-salita ang batang babae.

"Sabi ni Daddy Matt kagabi, cute ka daw." Sabi ng batang babae kay Gabby. Nabigla naman si Gabby sa sinabi ng bata. Pero binalewala nalang niya ang pag-kabigla niya dahil baka inuto lang ni Matthew ang bata kagabi.

"Cute naman talaga ako. Gwapo pa." pag-mamayabang ni Gabby sa bata.

"Hindi ka cute!" sigaw na sabi ng bata. Napakunot naman ang noo ni Gabby sa sinabi ng bata sakanya. "Paanong hindi ako cute? Eh diba sabi ng daddy mo cute ako?"

"Hindi ka nga cute! Hindi ka si Barney para maging cute!"

"Hindi rin naman cute si Barney!"

"Cute si Barney kasi kulay purple siya!"

"Eh ano naman kung kulay purple siya?"

"Favorite ko yung purple kaya cute si Barney!"

"Hindi cute si Barney! Muka lang siyang malaking talong na kulay purple!" patuloy na nakikipag-sigawan si Gabby sa bata.

"Hindi siya talong! Dinosaur yon!"

"Malaking talong lang yun! Hindi yun Dinosaur!"

"Dinosaur nga sabi yun eh!" napa-padyak nalang ang bata sa inis niya kay Gabby at mukang napipikon na ito.

"Talong lang yun na mukang Dinosaur!" sigaw ni Gabby sa bata at hindi siya titigil hanggat hindi niya natatalo ito.

"Ikaw! Muka kang dinosaur sa Jurassic Park na nakita ko! Dahil salubong yang kilay mo! At inaway mo si Daddy Matt kagabi! Bad ka!" inis na sigaw ng bata kay Gabby. Hindi naman matanggap ni Gabby na sinabihan siyang mukang dinosaur sa Jurassic Park nang batang babae na ito.

"Inaway ko siya kasi matigas ang ulo ng Daddy mo! Hindi niya ako pina-uwi kagabi! Pasaway siya!"

"Hindi matigas ang ulo ng Daddy Matt ko! Inaway mo siya kagabi! Ikaw ang matigas ang ulo!"

"Hindi matigas ang ulo ko! Yang Daddy mo nga ang matigas ang ulo!"

"Hindi nga matigas ang ulo niya! Mabait ang Daddy Matt ko!"

"Matigas nga ang ulo niya!" nanlilisik na ang mga matang sigaw ni Gabby.

"Sabing hindi nga matigas ang ulo niya eh!!" sigaw pa ng batang babae at nangingilid na ang luha nito dahil napipikon na ito.

"Sabing matigas nga—" naputol sa pagsasalita si Gabby ng may nagsalita sa may pintuan.

"Ang alin?" napatigil ang dalawa sa pag-tatalo ng makita nila si Matthew na nakatayo doon.

The Melodrama of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon