Chapter 17
Nagising si Seth sa tunog nang cellphone niya. Hinanap niya kung saan nanggagaling ang tunog. Mabilis niya itong nakuha sa bag niya na nasa tabi niya at sinagot ang tawag. "Hello?" sagot ni Seth sa tawag habang tinatakpan niya ang mga mata niya gamit ang braso niya. "Seth! Nasaan ka? Nanjan ka ba sa apartment mo?" bungad ni Christine sa kabilang linya. Inalis ni Seth ang pagkakatakip sa kanyang mga mata at tinignan ang paligid. Nasa salas siya ngayon at nakahiga sa sahig.
"Nandito ako sa apartment ko ngayon." sagot ni Seth. Nakatulog na pala siya sa sahig. Bumangon siya at sumandal sa pintuan. Masakit ang kanyang balikat dahil sa ngalay sa magdamag niyang pagtulog nang naka-tagilid. Masakit din ang ulo niya dahil sa pag-iyak niya kagabi. "Jusko naman, nakatulog na ako kahihintay na tawagan mo ako kagabi pero hindi ka na tumawag." Saad ni Christine sa kabilang linya.
"Sorry, nakalimutan kong tawagan ka." Saad ni Seth. "Okay sige. Kita nalang tayo mamaya sa opisina. Bye." Paalam ni Christine at pinatay na ang tawag. Agad namang nahiga ulit si Seth sa sahig. Inunan niya ang kanyang ulo sa bag niya.
Ayaw niyang pumasok. Masakit ang ulo niya tsaka ang bigat ng mga mata niya. Sumasakit din ang katawan niya dahil matigas ang nahigaan niya. Hindi siya pwedeng um-absent. Kailangan siya sa opisina. Kaya kahit tinatamad at medyo antok pa ay bumangon na siya para maligo at magbihis. Pagkalabas niya ng kwarto, hindi na siya kumain. Wala na siyang gana kaya dumeretso na siyang lumabas ng apartment niya.
Habang naglalakad, iniisip ni Seth ang sinabi sa kanya ni Zion kagabi sa kotse nito. "Mahal kita. Mahal kita Seth." Totoo ba ang mga sinasabi ni Zion? Seryoso din ba siya? Kung oo, bakit hindi niya madama? Bakit parang hindi naman niya nararamdaman na totoong mahal siya ni Zion? Bakit pakiramdam niya pa rin ginagamit lang siya ni Zion para mapasaya ang sarili nito? Bakit hindi niya agad napansin iyon noong una palang? Bakit hindi niya agad naisip na ganito ang mangyayari?
Nahuli na naman ba siya sa mga pag-alam ng mga bagay? O naging padalos-dalos lang siya ng mga ginagawa niyang desisyon? Sa dami ng tanong na tumatakbo sa utak niya, hindi na niya maiwasang mainis sa sarili kung bakit ba nalalagay niya ang sarili niya sa ganitong problema. Sumakay na ng taxi si Seth.
Gusto niyang kausapin si Zion. Gusto niyang tanungin si Zion. Itanong ang mga bagay na gusto niyang itanong at malaman. Pero kapag nakikita niya si Zion, ayaw lumabas ng mga tanong na iyon sa bibig niya. Hindi niya magawang sabihin ang mga pangamba niya sa kung anong pwedeng mangyari sa kanila. Kapag nakikita niya si Zion, gusto na lang niyang yakapin ito at hindi na isipin ang mga problemang gumugulo sa utak niya.
Pero hindi niya pa rin hinayaan ang sarili niya. Sinabi niya ang mga bagay na sa tingin niya ay maiintindihan ni Zion kung bakit naging iba na ang pakikitungo niya sakanya. Kahit masakit sa parte niya na sabihing walang dahilan para mahalin din niya si Zion pabalik, sinabi niya pa rin. Kahit ang totoo, mahal niya rin si Zion. Iyan din ang dahilan niya kung bakit nilalayuan na niya si Zion at sinabi ang mga salitang binitawan niya kagabi. Dahil ayaw niya ring mapahamak si Zion sa mga maling nagawa nila kay Jennifer.
Pagka-dating niya sa JN, dumeretso agad siya sa kanilang opisina. Muntik na pala siyang ma-late. Ang bagal niya kasing kumilos kanina. Mabagal din siyang naglakad papunta sa kanto kanina dahil sa mga iniisip niya. Hindi na niya napansin ang oras. Naupo si Seth sa upuan niya at binuksan ang sariling pc.
"Two minutes na lang late ka na sana. Inabangan ko pa naman yon. Sayang." Saad ni Leila habang naka-upo sa harap ni Seth. Pinagulong na naman niya ang swivel chair niya papunta kay Seth. Sumunod naman si Christine na tumayo at lumapit kay Seth. "Anong oras ka naka-uwi kagabi?" tanong ni Christine. "Naka-uwi na naman agad ako." Sagot ni Seth nang hindi tumitingin sa dalawa.
BINABASA MO ANG
The Melodrama of Fate
Fanfiction[SPG|Mature Content] This is a story about fighting for their love with all courage and responsibilities. Karma will always be their twin every time they go against their fate.