Chapter 16
Isang linggo ang naka-lipas. Nasa kalagitnaan na ng pag-gagawa ang mga editors ng Look magazine para sa Summer theme. Isang linggo na ring puro trabaho ang inaatupag ni Seth, mula sa pag-chcheck niya ng mga output ng mga graphic designers pati na rin ng mga kinakalabasan ng bawat pahina ng magazine.
Pangatlong linggo na nang buwan ng Agosto kaya kailangan na nilang matapos ang natitirang kalahati ng magazine. Maganda ang naging resulta ng naunang kalahati na nagawa nila. Hindi pa nila ito pwedeng ipasa sa editor-in-chief dahil kailangang tapos na ito bago maipasa. Isa si Zion sa titingin ng kabuuan ng magazine kapag natapos na ito.
Abalang nakikipag-usap si Seth sa ibang mga designers nang lumapit si Leila sa kanya. "Seth, pinapatawag ka ni Sir Zion." walang ganang sabi ni Leila. Tumingin naman si Seth sa kanya, "Bakit?"
"Ewan ko. Puntahan mo nalang." Inis na saad ni Leila at napakamot ng ulo. Sa loob ng isang linggo palaging si Leila ang pumupunta sa opisina ni Zion sa tuwing ipapatawag si Seth. Palaging may dalang hard copy ng magazine si Leila para ipakita kay Zion. Gusto daw kasi nitong makita ang mga natatapos ng mga staff sa araw-araw na trabahong ginagawa nila para sa magazine. Pero ang totoo, si Seth lang ang gustong makita ni Zion. Yun nga lang, palaging ipina-pasa ni Seth ang utos kay Leila na pumunta sa opisina at ipakita ang daily output. Laging idinadahilan ni Seth na busy siya at ayaw niyang maistorbo. Kahit ang totoo ay iniiwasan niya si Zion.
Noong una ay payag na payag si Leila na siya ang nauutusan ni Seth dahil makikita nito ang crush niyang si Zion kahit saglit lang. Pero naka-simangot ngayon si Leila at mukang badtrip pa kumpara noong mga ilang araw na nagpapabalik-balik sa opisina ni Zion. Para kasi itong inaasinan na bulate kung kiligin sa harap nila ni Christine pagka-galing sa opisina ni Zion.
"Eh bakit naman ganyan ang itsura mo?" tanong ni Seth kay Leila. Inirapan naman siya ni Leila at bumalik ito sa upuan niya tsaka naghalumbaba. Nakasimangot din ang muka nito. Nagkatinginan sila ni Christine at nagkibit-balikat lang ito sa kanya.
Binalik ni Seth ang atensyon niya sa mga kasamahan niyang designers. Pero hindi siya makapag-focus sa mga pinag-uusapan nila. Iniisip niya kasi kung bakit siya ipinapatawag ni Zion gayong naipasa na naman ni Leila ang output nila kahapon. Iniisip niya din kung pupunta ba siya para alamin ang gusto ni Zion pero ayaw niya itong makita.
Ilang araw na silang hindi nagkikita. Ilang araw na din siyang hindi umuuwi sa apartment niya. Kay Christine siya nakikituloy ngayon. May bahay kasi ito sa isang subdivision na malapit sa JN. Ayaw na muna niyang umuwi dahil baka puntahan siya ni Zion sa apartment niya. Kaya araw-araw na magkasabay pumasok at umuwi sila ni Christine. Hindi din pinapabayaan ni Seth ang sarili na mag-isa. Hanggat maaari kasama niya dapat si Leila o Christine kapag lalabas siya ng opisina nila. May araw ding binibisita siya ni Jennifer sa opisina at binibigyan ng pagkain na binibigay niya lang din kina Leila at Christine. Tuwang-tuwa naman ang dalawa dahil masasarap ang mga pagkaing dinadala ni Jennifer.
Tumayo si Seth at pumunta sa kanyang pwesto. Binuksan niya ang pc niya at gumawa ng mga sample na layout para sa susunod na theme na gagawin nila. Lilibangin nalang niya ang kanyang sarili para mawala sa isip niya na pinapatawag siya ni Zion sa opisina nito nang hindi man lang sinasabi kung bakit.
--
Tatlongpung minuto na ang nakalipas, kakaupo lamang ni Zion sa kanyang upuan. Nakatingala siya at nakakatitig sa kisame. Kanina pa niya hinihintay si Seth na pumasok sa pintuan ng opisina niya. Nalibot na niya ang opisina niya. Nabago na niya ang mga pwesto ng bawat gamit sa loob at napunasan na rin niya ng tissue ang mga frame na nakasabit sa pader at nakapatong sa lamesa.
Ilang araw na niyang hindi nakikita si Seth. Hindi ito sumasagot sa mga tawag niya pati na rin sa mga texts niya. Pinapatawag niya din ito araw-araw pero iba ang pumupunta sa opisina niya. Inisip na lang niya baka masyadong busy si Seth sa kanyang trabaho kaya tumigil muna siyang istorbohin ito. Nabanggit din sa kanya ni Jennifer na mukang pinag-iigihan ni Seth ang ginagawa niya. Sinabi pa nitong excited na siyang makita ang kalalabasan ng magazine.
BINABASA MO ANG
The Melodrama of Fate
Fanfiction[SPG|Mature Content] This is a story about fighting for their love with all courage and responsibilities. Karma will always be their twin every time they go against their fate.