Chapter 18 (part one)

10 2 0
                                    

Chapter 18

Nasa harap ngayon ni Zion si Jennifer. Nasa kaliwa naman niya si Penelope at nasa tapat nito si Josh. Kasalukuyan silang nasa condo ni Zion at pinapunta lamang ni Jennifer si Penelope at Josh para pag-usapan nila ang mga sinabi ni Jennifer kay Zion kagabi. Nagkaroon ng issue si Jennifer ngayon. At kailangan niya iyong maayos bago pa lumala.

Lumabas ang ilang mga article na nagsasabing hiwalay na daw sila ni Zion at nakikipag-date na sa iba si Jennifer. Mayroong mga larawang lumabas na kasama ni Jennifer si Josh sa isang mamahaling restaurant sa oras ng gabi. May mga larawan din kung saan pumupunta si Josh sa condo kung saan nakatira si Jennifer. May mga larawan din kung saan magkasama sila sa sasakyan ni Jennifer.

Wala namang reaksyon si Zion ng malaman niya iyon kagabi dahil alam naman niyang hindi totoo ang lumabas sa mga article. Nandito si Penelope para ayusin ang issue. At nandito din si Josh para malaman ang dapat nilang gawin. May hawak na inumin si Penelope na binili niya kanina para inumin dahil alam niyang ma-drama na naman si Jennifer ngayon.

"Ano nang gagawin natin ngayon?" tanong ni Jennifer kay Penelope. Kita sa pagmumuka nito ang stress dahil sa issue sa kanya. Tahimik naman si Josh na nakatingin sa kanilang dalawa. "Tanggalin mo siya." Saad ni Penelope at tumingin kay Josh na nakatingin din sa kanya. Gulat namang napatingin sa kanya si Jennifer. "Ano? Hindi pwede. Hindi ko siya pwedeng tanggalin." Angal ni Jennifer.

"Yan lang ang magagawa mo para hindi ka na pag-isipan ng mga tao. Ako na ang bahala gumawa ng statement sa JN bukas." Saad ni Penelope. Umiling naman si Jennifer, "Hindi ko pwedeng tanggalin si Josh. Wala na akong mahahanap na ibang driver. Pahirapan nang makahanap ng personal driver ngayon." wika ni Jennifer.

"Nanjan naman si Zion." saad ni Penelope at napatingin silang lahat kay Zion na parang ang lalim ng iniisip. Hindi kasi ito nakikinig sa pinag-uusapan nila. "Ha?" tanong ni Zion nang mapansin niyang nakatingin ang lahat sa kanya. Ibinaling ni Penelope ang tingin kay Jennifer, "Si Zion muna ang bahala sayo. Wala naman siyang ginagawa masyado. Dumito ka muna sa condo niya habang naghahanap ako ng kapalit ni Josh." Saad ni Penelope at muling tinignan si Josh bago uminom sa hawak niyang cup.

Napatahimik naman si Jennifer at nag-isip. Ayaw niyang palitan si Josh. Pero napapa-isip siya sa sinabi ni Penelope. Hindi naman masyadong abala si Zion sa trabaho niya. Isa pa, mas magkakaroon siya ng oras makasama si Zion. "Papayag ako kung kukuhanin mong driver mo si Josh. At magtrabaho sa shop mo." Saad ni Jennifer. Agad na naibaba ni Penelope ang hawak niyang cup sa lamesa at tinignan ng seryoso si Jennifer. "Hindi ko kailangan ng driver. At hindi ko kailangan ng bagong employee." Saad ni Penelope. Tahimik pa rin si Josh at walang sinasabi. Ganun din si Zion na binalik ang atensyon niya sa pag-iisip sa kwintas, hindi pa rin niya kasi ito nakita kagabi. At hindi pa rin niya ito nahahanap hanggang ngayon.

"Kailangan mo. Madami akong pinirmahang mga kontrata ngayon. Mga commercial at kung ano-ano. Ikaw ang mahihirapan kapag kailangan kita. Hindi araw-araw maaasikaso ako ni Zion kapag may kailangang puntahan. At tsaka madalas kang ma-late kapag tinatawag kita. Kaya kailangan mo si Josh at kailangan mo ng bumili ng sasakyan ngayon." mahabang sabi ni Jennifer. Saglit na hindi naka-imik si Penelope.

Madami ngang pinirmahang kontrata si Jennifer at magiging abala sila sa loob ng dalawang taon sa dami ng mga agenda na gagawin nila. Mukang mahihirapan nga si Zion kung ito ang mag-aasikaso pansamantala kay Jennifer habang wala pa itong driver. Matatagalan din siyang makahanap ng ipapalit kay Josh dahil abala din siya sa flower shop niyang puno din ng mga wedding na sila ang kinuhang supplier ng bulaklak. Hindi pwedeng padalos-dalos lang siya sa pagpili ng driver dahil bilang kaibigan, kailangan protektahan niya din si Jennifer. Lalo na at babae din ito.

"Pag-iisipan ko." Tumayo si Penelope at lumabas na ng condo. Nabaling naman ang tingin ni Jennifer kay Josh. "Sorry Josh. Hintayin nalang natin si Penelope, papayag din yan." Saad ni Jennifer. Tumango naman si Josh at tsaka tumayo na rin. "Aalis na rin ako." Saad ni Josh at lumabas na rin ng condo.

The Melodrama of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon