Chapter 19 (part one)
Tatlong sunod-sunod na putok ang pinakawalan ni Seth bago niya ibinaba ang baril dahil wala na itong bala. Muli siyang kumuha ng mga bala at kinargahan ang baril niya. Mag-iisang oras na silang tatlo nina Zion at Jennifer sa loob. Hindi niya alintana ang ngalay sa kamay niya. Hindi pa siya tumitigil sa pamamaril simula noong maka-rating silang tatlo sa shooting range. Naba-basa na ng pawis ang kanyang buhok at tumutulo na din ito sa kanyang muka.
Kada ingay ng putok ng baril ay nakakatulong sa kanya para hindi marinig ang mga tawa ni Jennifer na kanina pang hindi mahiwalay sa tabi ni Zion. Kung ano-anong klase ng baril nag pinapaturo nito kay Zion. Paminsan-minsan ay naririnig din ni Seth na tumatawa si Zion kaya mas lalo siyang nanggigigil sa pagkalabit ng gatilyo sa baril na kanyang hawak. Wala siyang paki-alam kung hindi niya matamaan ang target basta marinig lang niya ang malalakas na putok ng baril at iniisip niya din na si Zion at Jennifer ang nasa harap niya.
Kanina bago sila mag-simula, kinukwento sa kanya ni Jennifer kung paano siya tinuruan noon ni Zion na humawak ng baril at iputok ito. Kinuwento din ni Jennifer kung paano siya nahulog ng husto kay Zion dahil sa paglilibang nila dito sa shooting range. Hindi naman siya naiinggit doon dahil ginawa din naman ni Zion sa kanya ang mga ginawa niya kay Jennifer. Dahil ang kina-iinggitan niya ay si Jennifer ang nauna at hindi siya. Hindi niya maiwasang mag-selos ngayon. dapat siya ang niyayakap ni Zion ngayon at tinuturuan. Dapat siya ang tumatawa kapag nagkakamali siya ng pag-asinta ng target. Dapat siya lang ang kasama ni Zion ngayon. Pero hindi lahat ng gusto niyang mangyari, ay dapat na mangyayari.
Ibinaba na ni Seth ang kanyang baril dahil wala na siyang reserbang mga bala sa kanyang tabi. Hinubad niya ang mga gear na suot niya at naupo sa malapit na upuan. Kinuha niya ang kanyang tubig at uminom doon. Kinuha niya ang kanyang bimbo at pinunasan ang medyo basa niyang buhok. Masyado siyang pawisin ngayon dahil ngayon lang naman siya nakagawa ulit ng ganitong activity. Nakakalimutan na niyang mag-exercise. Marahan niyang hinilot ang braso niya para mabawasan ang kanyang pagkaka-ngalay.
Maya-maya pa ay lumapit na si Zion at Jennifer kung saan siya naka-pwesto. Pinanood niya lang maglakad si Jennifer na nakasuot ng hapit nitong leggings at maikling damit na kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan. Iniisip niya kung ganoong katawan ba ang gusto ni Zion o mas gusto nito ang katawan niya? Hindi niya maiwasang isipin na kung ginagawa din ba ni Zion kay Jennifer ang mga bagay na ginagawa nito sa kanya. Inalis ni Seth ang tingin kay Jennifer tsaka napa-ngisi. Gusto niyang tanungin si Zion kung alin ba ang mas gusto niya. Gusto niyang itanong kung sino ba ang mas magaling sa kanilang dalawa ni Jennifer.
"Mukang nag-enjoy ka, Seth." Naka-ngiting sabi ni Jennifer nang makalapit na ito sa kanya. Ngumiti lang siya at tumango. Pero ang totoo, gusto niyang sabihing mas mag-eenjoy siya kung sila lang ni Zion ang magkasama. "Kamusta na pala yung magazine?" tanong ni Jennifer at naupo ito sa kanyang tabi. "Minor editing na lang sila ngayon at ready na silang i-print iyon sa isang araw." Sagot ni Seth. Agad namang napa-ngiti si Jennifer. "Talaga? Oh my God, excited na akong makita ang ginawa mo. Alam kong maganda ang kinalabasan ng ginawa mo. Alam ko namang hindi mo ako bibiguin." Naka-ngiting sabi ni Jennifer.
"Ibibigay ko sayo mamaya ang mga raw images kung gusto mo." Saad ni Seth at gulat namang napatingin sa kanya si Jennifer. "Really?" hindi maka-paniwalang tanong ni Jennifer kay Seth at tumango lang ito sa kanya. "OMG thank you, Seth" masayang sabi ni Jennifer at lumapit ito kay Zion para sabihin na ibibigay sa kanya ni Seth ang mga raw images ni Jennifer na meron siya. Pili lang kasi ang mga raw images na binibigay nang mga photographers sa mga model pero dahil nakuha na ni Seth lahat ng mga litrato pwede niya itong ibigay sa mga modelo nang magazine.
Muling lumapit si Jennifer sa kanya at may ini-abot itong card na may naka-sulat na address. "Pumunta ka jan mamaya. Gusto ko kasama kita habang tinitignan ko yung mga pictures." Saad ni Jennifer. Binasa ni Seth ang address. Sa condo iyon ni Zion kung hindi siya nagkakamali. Tinignan niya si Jennifer, hindi na naman nito kailangang bigyan pa siya ng card na may address dahil alam na naman niya kung saan nakatira si Zion. "Hindi kami makakapunta ni Zion mamaya sa JN. Kaya puntahan mo na lang kami after dinner." Saad ni Jennifer at tumango si Seth.
BINABASA MO ANG
The Melodrama of Fate
Fanfiction[SPG|Mature Content] This is a story about fighting for their love with all courage and responsibilities. Karma will always be their twin every time they go against their fate.