Chapter 15
Nagising si Zion sa tunog ng alarm clock niya. Agad niya itong pinatay habang naka-pikit pa rin ang mga mata niya. Niyakap niya ang katabi niyang naka-unan sa kanyang dibdib. "Good morning." Saad ni Zion nang hindi pa rin minumulat ang kanyang mga mata. "Good morning, babe." Saad nang katabi niya.
Mabilis na nag-mulat ng mata si Zion sa narinig niya. Nilingon niya ang nasa tabi niya. Si Jennifer. Naka-unan ito sa kanyang dibdib. Abot-abot ang kanyang pagpigil sa sarili na huwag itulak si Jennifer dahil sa pagkabigla niya. Lumingon-lingon siya sa kanyang paligid. Nasaan si Seth?
Nagising na rin si Jennifer. Kinusot nito ang kanyang mata bago tumingin kay Zion. "Surprise!" naka-ngiting sabi ni Jennifer at yumakap sa hubad na katawan ni Zion. "Na miss mo ba ako?" tanong ni Jennifer. Hindi makasagot si Zion. iniisip pa rin nito kung nasaan si Seth. Paanong si Jennifer ang nasa tabi niya, si Seth ang katabi niya kagabi. "I miss you." Saad ni Zion habang nakaka-tulala sa pinto.
"Kailan ka pa dumating?" tanong ni Zion. Humarap naman si Jennifer sa kanya. "Kagabi. Tinatawagan kita kagabi pero hindi ka sumasagot, kaya dumeretso ako dito tapos naabutan kitang natutulog kaya tumabi na lang din ako sayo." Sagot ni Jennifer. Hindi naman umimik si Zion. Sigurado siyang umuwi si Seth kagabi ng hindi man lang nag-papaalam sa kanya. Tatawagan na lang niya ito mamaya kapag wala na si Jennifer sa tabi niya.
"Kamusta yung photo shoot niyo?" tanong ni Zion. "Ayos naman. You know what? I love the place. Ang ganda-ganda and very peaceful. Can we celebrate our 3rd anniversary there? I really love the place." Masayang sabi ni Jennifer. Ngumiti naman si Zion tsaka tumango "Sure."
"Oo nga pala. I got a lot of pasalubong for Seth. Binili ko yon kasama si Terrence." Biglang napa-upo si Jennifer sa kama nang maalala si Seth. "I'll take a shower na. I'm so excited to see Seth today." Mabilis na bumaba si Jennifer sa kama na may malaking ngiti sa labig at namili ng damit niya sa cabinet. Nag-iiwan siya ng mga damit niya sa condo ni Zion in case na kailangan niya.
"Close na kayo?" takang tanong ni Zion. "Yes! Why not? We're friends na kaya." Sagot ni Jennifer at hindi ulit umimik si Zion. Tumango lang ito at iniisip kung kailan pa ba naging close ang dalawa. Parang wala naman siyang matandaan dahil ang alam naman niya ay galit ito kay Seth dahil sa pagtapon nito ng iced coffee sa damit niya.
"Pagkatapos kong maligo ikaw naman, bilisan mo ha." Saad ni Jennifer bago magtungo sa banyo. "Sabay na tayo." Wika ni Zion nang maalala niyang sinabi niya iyon kay Seth noong nasa apartment siya nito at sinabihan niyang maligo na. Napangiti siya sa kanyang naisip. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Seth.
Matagal na nag-ring ang tawag pero hindi sumasagot si Seth. Baka nasa byahe na ito papasok. Tinext nalang niya si Seth at bumangon na sa higaan.
--
"Wow! Ang ganda naman pala jan. Sana nakasama ako sa inyo." Wika ni Leila. Magkatabi sila ni Christine, pinapakita nito ang ilang videos at pictures ng resort na pinuntahan nila na hindi niya pinost sa social media accounts niya. "Pupunta talaga ako jan kapag nagka-pera na ako." Dagdag pa nito.
"Magka-away ba kayo ni Seth?" tanong ni Christine kay Leila. Tumingin naman si Leila sa kanya at sumagot, "Hindi. Bakit?"
"Eh bakit ganyan ang itsura niyan? Parang pinag-sakluban ng langit at lupa." Saad ni Christine at sabay nilang nilingon si Seth na ka-uupo lang sa pwesto nito at inaayos ang mga gamit niya. "Aba ewan ko jan. Halos ilang araw na ngang ganyan ang itsura niya kapag pumapasok eh." Sagot ni Leila. Nagka-tinginan ang dalawa bago lumapit kay Seth.
"Hoy!" tawag ni Christine kay Seth at nilingon sila nito. "Anyare na naman sayo? Bakit ganyan ang itsura mo? Muka ka ng panda eh hindi pa kayo nagsisimula sa paggawa ng magazine." Saad ni Christine.
BINABASA MO ANG
The Melodrama of Fate
Fanfiction[SPG|Mature Content] This is a story about fighting for their love with all courage and responsibilities. Karma will always be their twin every time they go against their fate.