Chapter 14
Araw ng biyernes. Tulala lang si Seth kung saan kita niya ang maliliit na building sa labas ng opisina ni Zion. May hawak siyang kape na lumalamig na. Hindi pa siya pumapasok sa kanilang opisina dahil sinabihan siya ni Zion na samahan na muna niya ito sa opisina dahil maaga pa naman daw.
Malalim ang kanyang iniisip. Mamayang gabi na ang pagbalik ni Jennifer sa Makati. Ilang oras na lamang ay darating na ito. Kinakabahan siya. Paano kung malaman ni Jennifer ang nangyari sa kanila ni Zion? Ano na lang ang magiging reaksyon nito kung nalaman niyang pumatol sa lalaki ang boyfriend niya? Paano na lang din kung malaman nito na ang lalaking pinatulan ng boyfriend niya ay itinuturing na niyang kaibigan ngayon?
Naputol sa pag-iisip si Seth nang yumakap si Zion mula sa likuran niya. Ipinatong nito ang ulo niya sa kanyang balikat. "Ang lalim yata ng iniisip mo? May problema ka ba sa trabaho?" tanong ni Zion sa kanya. Ngumiti lang siya at umiling.
Bakit parang wala lang kay Zion ang ginagawa nila? Parang hindi siya namomoblema sa sitwasyon nilang tatlo nina Jennifer. Isa pa, si Zion ang maiipit sa sitwasyo nila. Pero bakit parang hindi isang malaking problema ang nagawa nilang dalawa?
Kinukutuban na talaga siya na baka nga tama ang kanyang iniisip. Na totoong pinag-parausan lamang siya ni Zion. Na siya lamang ang magiging dehado sa sitwasyon nilang tatlo. Na kapag bumalik na si Jennifer ay babalik na si Zion sa piling nito at iiwan siya na parang walang nangyari sa kanilang dalawa. Maiiwan siyang magulo na ang payapa niyang mundo noon.
"Baka may gusto ka? Sabihin mo lang sakin, wag ka nang mahiya." Sambit ni Zion habang mahigpit pa ring niyayakap si Seth sa likuran nito. Inaamoy nito ang mabangong batok ni Seth na sinabon niya kanina habang naliligo silang dalawa. Pakunwaring nag-isip si Seth. Wala siyang gusto. Wala siyang gustong kainin, puntahan o gawin. Ang gusto niya lang ay ang makasama pa si Zion ng matagal, iyong hindi nakikihati at nagtatago ng relasyon. Ano nga bang relayon nilang dalawa?
"Gusto kong pumunta sa shooting range na pinuntahan natin dati." Sabi ni Seth. Naalala niyang doon siya unang niyakap ni Zion nang parang pagkakayakap nito sa kanya ngayon. Mas mahigpit nga lang ngayon at mas dikit ang kanilang katawan. Doon niya din unang naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso niya dahil sa presensiya ni Zion.
Gulat na napatingin sa kanya si Zion dahil hindi nito inaasahang gustong bumalik doon ni Seth. "Gusto mong bumalik doon?" paniniguro ni Zion. Ngumiti naman si Seth at tumango. "Oo. Turuan mo ulit ako." Sagot ni Seth at ibinaba ang kapeng malamig sa lamesang malapit sa kanya. Hinawakan niya ang brasong nakayakap sa bewang niya.
"Sige. Pupunta tayo doon mamayang gabi." Sambit ni Zion. Bakit? Bakit mamayang gabi pa? Nakalimutan ba niyang darating na ang girlfriend niya mamayang gabi?
"Gusto ko ngayon na." sambit ni Seth at humarap kay Zion. Ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ni Zion. "Hindi nalang ako papasok ngayon." dagdag pa niyang sabi kay Zion. "Sigurado ka?"
"Oo. Gusto ko munang maglibang bago ako magtrabaho ng mabigat pag-nakabalik na sila." Sagot ni Seth. "Okay." Pag sang-ayon ni Zion na ikinangiti naman ni Seth. Hinalikan siya nito sa labi tsaka humiwalay at lumapit sa table niya para kuhanin ang isang envelope.
"Mag-ready kana. Hintayin mo ako, dadalhin ko lang ito sa opisina ni Matthew." Paalam ni Zion bago lumabas. Tumango lang si Seth at ngumiti.
Susulitin ni Seth ang araw na ito. Susulitin niya ang mag-hapong kasama si Zion bago pa maka-balik si Jennifer.
--
Kagigising lamang ni Penelope. Iilang oras lamang ang naitulog niya dahil hating gabi na sila natulog ni Sarah dito sa shop. Inayos nila kagabi ang inorder na mga bulaklak na idedeliver na ngayon. Alas-sais palang ng umaga. Kailangan nilang ayusin ulit ang mga bulaklak at ilang kalat sa lamesa na pinag-gawan nila.
BINABASA MO ANG
The Melodrama of Fate
Fanfiction[SPG|Mature Content] This is a story about fighting for their love with all courage and responsibilities. Karma will always be their twin every time they go against their fate.