Chapter 2
Tahimik na naka-upo si Gabby sa waiting area sa tapat ng isang kwarto kung saan nagaganap ngayon ang pag-iinterview sa mga tinawagang nagpasa ng resume at cover letter noong isang araw. Katabi niya ang maingay na si Mike. Sumila ng dumating sila sa loob ay hindi na ito mapakali at gusto ng libutin ang buong building ng JN Entertainment kahit galing na sila doon noong isang araw para magpasa nang resume at cover letter. Kausap ni Mike ang dalawang babaeng nasa tabi niya na mag-a-apply din bilang mga intern.
Tinitignan din ni Gabby ang bawat taong lumalabas mula sa kwarto. Ilan sa mga lumalabas dito ay may kampanteng muka na makakakuha sila ng trabaho at ang iba naman ay medyo hindi masaya dahil mukang papalya sila sa interview.
Dumako naman ang tingin niya sa kanan at nakita niyang nakatingin sa kanya ang isang batang babae. Kumaway sa kanya ang bata at ngumiti ito sa kanya.
Hindi marunong makisama si Gabby sa mga bata. Pero kumaway na lang din siya at ngumiti. Yumakap naman ang bata sa hita ng isang matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng gray na suit. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya kita ang muka nito. Agad naman binuhat ng lalaki ang bata. Sa tingin ni Gabby ay tatay ito ng batang babae.
Katabi naman ng lalaking naka suit ang isang buntis na babae, naka side view ito kaya kita ni Gabby ang muka nito. Maliit ang muka at maputi. Kulay brown ang buhok nito at nakasuot ito ng puting dress. Kausap ng mga ito ang isang staff. Sa tingin ni Gabby ay ito ang nanay ng batang babae.
“Hoy Gabby.” Kinulbit siya ni Mike kaya lumingon siya dito.
“Tara mag bar mamaya.” Yakag ni Mike sakanya. Napakunot naman ang noo ni Gabby dahil bigla siyang niyaya ni Mike na mag bar. Pero hindi na nag-dalawang isip si Gabby at tumango na lang ito.
“Kasama natin sila.” Biglang sabi ni Mike. Itinuro nito ang dalawang babaeng katabi niya. Tinignan naman iyon ni Gabby. Kumaway at bumati ang dalawang babae sa kanya. Tumingin ulit si Gabby kay Mike at sinabing “Wala akong pera.” Hindi niya gustong may kasama silang babae dahil madalas ito ang nag-dadala ng gulo sa mga bar.
“Ako meron.” Sabi ni Mike at humarap kay Gabby. “Kung naka hold ang mga cards mo, yung akin hindi.” Nakangiting sabi ni Mike at para bang inaasar pa siya nito.
Nagsisimula na namang uminit ang ulo ni Gabby kay Mike. Mukang nadaya siya nito dahil sa kanilang dalawa, siya lang pala ang walang dalang pera.
“Eh bakit pa tayo nandito kung may pera ka rin naman palang dala?” tanong ni Gabby.
“Para samahan ka mag-trabaho.” Maikling sagot ni Mike.
“Ano?” inis na tanong ni Gabby. “Diba ikaw lang naman ang may gustong magtrabaho dito? Bakit ako pa yung pinapalabas mong may gustong magtrabaho dito?”
“Kasi wala kang pera kaya kita sinasamahan mag-trabaho.” Nakangiting sagot ni Mike.
“Eh ikaw naman yung may kasalanan kung bakit nahold yung cards ko.”
“Kaya nga ito na oh. Hinanapan na kita ng pwede mong mapasukan.”
Napapikit nalang sa inis si Gabby at napahawak sa sintido dahil napipikon na siya kay Mike dahil sa pinag-gagawa nito sa kanya. Kahit kelan ay kayang kaya parin siyang utuin ng kaibigan niyang walang magawa sa buhay.
Muli siyang napalingon sa kinaroroonan ng bata. Hawak na ito ng babaeng buntis sa kamay. Nag paalam na ang babaeng buntis sa lalaking naka suit at naglakad na paalis. Maya maya pa ay lumingon ang lalaking naka gray na suit.
Biglang napa-ayos ng upo si Gabby dahil sa lalaking naka gray na suit at naglalakad na ito papunta sa kung nasaan siya. Kita din sa muka niya na medyo gulat ito. Hindi niya inaasahan na makikita niya dito ang lalaking tinamaan niya ng bola sa muka.
Napangiti naman ang lalaki ng mapansin niyang nakatingin sa kanya si Gabby. Natatandaan niyang ito ang nakatama sa kanya ng bola sa muka. Inayos nito ang suit na suot. Nang medyo malapit na siya sa pwesto ni Gabby ay kumaway ito kay Gabby at bago pa siya makalampas ay kinindatan siya nito atsaka ngumiti.
Bigla namang nanlaki ang mata ni Gabby at kinilabutan sa ginawa ng lalaking naka suit. Tumingin pa siya sa likod niya kung may babae ba doon at baka yun ang kinindatan ng lalaki ngunit wala. Sa tinagal tagal na pag-kakaibigan nila ni Mike kahit kailan ay hindi pa siya nakindatan ni Mike ng ganoon. Tila ayaw na niyang makakakita ng may kumakaway sa kanya mula ngayon.
BINABASA MO ANG
The Melodrama of Fate
Fanfiction[SPG|Mature Content] This is a story about fighting for their love with all courage and responsibilities. Karma will always be their twin every time they go against their fate.