Chapter 6
"Daddy Matt, gusto ko ng mac and cheese." Sabi ni Martha kay Matthew. Naka-upo sila ngayon sa couch sa sala at nanonood ng cartoons sa tv. Tahimik na tumayo si Matthew at nag-tungo sa kusina. Kinuha niya ang dalawang instant mac and cheese at pinakuluan sa tubig ang macaroni.
Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanyang isipan ang nang-yari kanina sa pool. Natigilan siya kanina sa pakikipag-laro kay Martha nang makita niyang nag-tatanggal ng damit si Gabby. Agad dumaloy ang init sa kanyang katawan nang pasadahan niya ng tingin ang tiyan ni Gabby pataas sa dibdib nito na tila ang pag-taas ng damit ni Gabby ay kanyang sinasabayan. Napa-lunok pa si Matthew ng pinanood niya iyon kanina. Umalis siya sa pool sa mga sandaling iyon dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya at hindi na niya kaya ang init ng katawan niya. Mag-tutungo na sana siya noon sa condo niya dahil baka kung ano pang kalokohan ang magawa niya kay Gabby. Ngunit nagulat siya ng makita niyang naka-tingin sa katawan niya si Gabby pagka-ahon niya sa pool. Lalo iyong nakapag-bigay ng kakaibang sensasyon sa kanyang katawan kaya inasar niya si Gabby para mabawas-bawasan iyon. Ngunit lalo lang siyang ginanahan sa sinagot nito sa kanya. "Wala namang kaenjoy-enjoy jan sa katawan mo! At kahit kelan di ako mag eenjoy tignan yan!"
Imbis na mainis siya sa sinabi ni Gabby ay lalo pa siyang natuwang asarin ito. Kaya hindi siya nakapag-pigil at hinawakan niya ang balikat nito at ibinagsak ng sabay ang kanilang katawan sa tubig. His body... it'll look perfect on my bed. Wika ni Matthew sa kanyang isip. Napapa-kagat pa ito sa kanyang labi ngayon habang naka-tingin sa niluluto niyang macaroni. Kinikilig pa siya sa na-isip niya.
Bigla namang sumagi sa isip niya ang gulat na muka ni Gabby noong nasa ilalim sila ng tubig. Sobrang lapit ng mga muka nila noon. Gustong gusto na ni Matthew ilapat ang mga labi niya sa magandang labi ni Gabby ngunit na-kontrol pa niya ang sarili niyang huwag gawin iyon. Ramdam pa din niya sa kanyang mga balikat ang mga kamay ni Gabby. I can't wait to feel those hands scratching my back...
Saglit pa nitong pinag-masdan ang gulat na mga mata ni Gabby, ini-isip niya sa mga sandaling iyon kung ganun din ba ang magiging reaksyon ni Gabby sa sandaling maipasok niya ang kanyang... What the hell, Matt? biglang napa-iling si Matthew sa kanyang iniisip. Masyado na siyang nahihibang kay Gabby at kung ano-ano na ang na-iisip nito.
Sinala na niya ang macaroni at inilagay sa isang mangkok. Binuksan niya ang pack ng sauce nito at isinalin sa mangkok na may macaroni at tsaka hinalo. Nakaka-ilang ikot palang ng kutsara si Matthew sa paghahalo ay bigla niya narinig ang isang pamilyar na tunog. Tinignan niya ang hinahalo niyang mac and cheese. Tila pamilyar sa kanya ang tunog na nagagawa ng paghalo niya rito. Kada igagalaw niya ang kutsara para haluin ang mac and cheese ay lumilikha ito ng tunog na para bang nakikipag sex--... Shit! Mura ni Matthew sa sarili nang biglang sumagi iyon sa kanyang utak.
Madali niyang kinuha ang mangkok at ini-abot iyon kay Martha. "Thanks Daddy Matt." Wika ni Martha at kinuha ang mangkok.
Naupo si Matthew sa couch. Pinapa-kalma ang sarili mula sa kalokohan ng isip niya. Kumuha siya ng tissue sa katapat na lamesa at ipinunas sa namamawis niyang noo.
Maya-maya pa ay narinig na naman niya ang tunog ng mac and cheese na dahan-dahang hinahalo ni Martha. Tinignan niya iyon saglit at napa-pikit. Bigla niyang nakita ang muka ni Gabby pati ang hubad na katawan nito. Malalalim na paghinga ang pinapakawalan niya at dumoble pa ang pawis na lumalabas sa kanyang noo. Mabilis na rin ang pagkabog ng dibdib niya dahil sa tunog ng mac and cheese na hinahalo parin ni Martha.
"Martha, stop." Mabilis niyang sabi. Bigla namang napatigil si Martha sa paghalo.
"H-ha?.." nagtataka namang naka tingin si Martha sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Melodrama of Fate
Fanfiction[SPG|Mature Content] This is a story about fighting for their love with all courage and responsibilities. Karma will always be their twin every time they go against their fate.