Chapter 13
"Seth... Seth..." naalimpungatan si Seth sa isang boses at sa pagyugyog sa kanyang katawan. Agad siyang nagtalukbong ng kumot dahil sa matinding liwanag na tumatama sa muka niya. Inaantok pa siya at wala siyang ganang bumangon. Gusto niya lang matulog maghapon. "Seth malelate ka na."
Agad siyang napabalikwas nang marinig niya ang salitang 'malelate'. Napapikit pa siya nang magmulat siya ng mata dahil sa sikat ng araw na tumatawa galing sa bintana niya. Agad niyang hinawi ang kumot at mabilis na tumayo. Ngunit bigla siyang napatigil at napahawak sa ibaba ng bewang niya ng may maramdamang mahapdi at medyo masakit sa pwetan niya. "Aww..." daing niya at dahan-dahang kumilos.
"Masakit pa rin?" saad ng boses mula sa likuran niya. Muli siyang napatigil nang makilala ang boses na iyon. Si Zion yon. Anong ginagawa niya dito? Tiningnan niya ang sarili at nakitang nakahubad pa rin siya. Kahit isang damit ay wala siyang suot. Bigla niyang naalala ang nangyari sa kanila kagabi. Agad na namula ang kayang pisngi. Hindi niya alam kung haharap ba siya kay Zion ngayon o hindi. Nahihiya siya. Pero hindi na dapat siya mahiya dahil nakita na naman nila ang isa't-isa kagabi.
"Maligo ka na. Susunod na lang ako." Saad ni Zion sa nakatalikod na si Seth. Pinagmamasdan niya ang magandang hubog ng katawan nito. Makinis at maputi ang balat nito. Napangisi si Zion nang maalala niyang hinaplos niya iyon kagabi.
"S-sabay na tayo." Wala sa sariling sambit ni Seth. Ikinagulat naman ni Zion ang narinig. Agad na napatakip si Seth ng bibig ng mapagtanto niya kung ano ang nasabi niya. Ano bang pinagsasabi mo Seth? Gusto mo lang ulit makita ang katawan niya eh. Oo nga. Hindi! Gago! Pagtatalo ni Seth sa kanyang isip.
"Ano ulit yon?" tanong ni Zion. Nataranta si Seth. Hindi niya alam kung pano sasagutin si Zion. agad siyang umisip ng sasabihin habang palipat-lipat ang tingin niya sa bawat sulok na nakikita niya sa harap niya. "Seth?"
"A-ano... sabay nalang tayo. Lalo lang akong malelate kung hihintayin pa kitang matapos maligo." Saad ni Seth at bahagya niyang ipinaling ang kanyang ulo para makita ng kaunti si Zion. Tama Seth tama. Ang galing mo magpalusot. Natatawang sabi ni Seth sa sarili at napangiti. Nagitla si Seth nang may bigla siyang naramdaman sa kanyang likuran. May biglang dumaloy na kiliti sa kanyang buong katawan. Saglit na napahinto ang kanyang paghinga dahil sa naramdaman niya sa likuran niya.
Naramdaman niya ang mainit na palad ni Zion na nakalapat sa likod niya at unti-unting tumataas sa kanyang batok. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang isa pang paghaplos sa kanyang kaliwang braso. Dumeretso ang isang mainit na kamay sa kanyang dibdib. Napahinga siya ng malalim at kusang pumikit ang kanyang mga mata. Bigla niyang naramdaman ang mainit na paghinga ni Zion sa kanyang batok deretso sa kanyang tenga.
"Kung yan ang gusto mo... hindi naman ako tatanggi." Bulong ni Zion kay Seth sabay dila sa tenga nito. "Mmm..." ungol ni Seth nang may kakaibang naramdaman siya sa ginawa ni Zion. Naramdaman na din ni Seth ang mainit na katawan ni Zion sa kanyang likuran. Gumawa ng maliliit na halik si Zion mula sa batok nito pababa sa kanyang balikat at pabalik sa pisngi nito hanggang sa magtagpo ang kanilang mga labi. Hindi naghiwalay ang kanilang mga labi hanggang sa makapasok sila pareho sa banyo.
--
"Sigurado kang ayos ka lang jan sa suot mo?" tanong ni Zion kay Seth habang naglalakad sila papasok sa JN building. Isinabay na ni Zion sa Seth sa kanya papasok. Mabuti nalang at nadala niya ang kotse niya kagabi noong pinapunta siya ni Ashley sa bahay nito.
"Ayos lang naman. Hindi naman 'to madaling masira." Sagot ni Seth. Suot niya ngayon ang slacks niyang may pagkahapit sa kanyang hita pero medyo maluwag pa naman sa kanyang binti. Ipinahiram kasi niya kasi kay Zion ang ginagamit niya dahil walang pamalit si Zion. Wala naman siyang extra na maluwag para sa kanya dahil hindi pa siya nakakapaglaba. "Okay." Simpleng sagot ni Zion.
BINABASA MO ANG
The Melodrama of Fate
Fanfiction[SPG|Mature Content] This is a story about fighting for their love with all courage and responsibilities. Karma will always be their twin every time they go against their fate.