Chapter 10
Maririnig ang tunog ng bell na naka-sabit sa pintuan ng flower shop ni Penelope. Pumasok doon si Jennifer at kasunod nito ang isang matangkad, malaki at puno ng tattoo ang pangangatawan na lalaki. Agad silang binati ng tauhan ni Penelope na si Sarah.
"Nasa itaas pa po si Ma'am. Pababa na rin po siya." Saad ni Sarah na siyang nagba-bantay sa shop ni Penelope. "Maupo po muna kayo." Dinala naman ni Sarah sina Jennifer at ang kasama nitong lalaki sa isang table.
May kalakihan ang flower shop ni Penelope. Puno ng mga bulaklak ang bawat paligid. Araw-araw pinapalitan ni Sarah ang tubig ng bawat bulaklak na nasa vase. Sa kanilang shop, pwedeng ikaw mismo ang mag-arrange ng mga bulaklak na napili mo at kumpleto naman ang shop sa mga materyales na gagamitin. Maaari din naman mag-pagawa kay Sarah dahil isa din siyang florist. Kadalasan siya ang pumipili ng mga bulaklak sa nais na theme ng mga customer nila. Isa ang flower shop ni Penelope sa mga nag-seservice sa mga malalaking event sa Makati at Manila. Lahat ng iyon ay pinangungunahan ni Sarah.
Maya-maya pa ay may bumabang isang babae na may hawak na isang basket na bulaklak. Kasunod nito si Penelope na may dala ding isang vase ng bulaklak.
"Paki-sabi kay Joaquin paki-deliver nito mamaya." Saad ni Penelope kay Sarah at tinanguan naman siya nito. Napalingon naman si Penelope sa kanyang kanan at nakita doon sina Jennifer at ang kasama nitong lalaki na naka-upo.
"Oh, Bakit ka nandito?" tanong ni Penelope at lumapit sa kinaroroonan ni Jennifer.
"Chika-chika lang." tugon ni Jennifer at humigop ito sa straw ng hawak niyang inumin. Napa-irap naman si Penelope at tinignan mula ulo hanggang paa ang lalaking kasama ni Jennifer na naka-tingin lang din sa kanya.
"Sino yan?" tanong ni Penelope sa kaibigan. Hindi gusto ni Penelope na may mga lalaking lumalapit sa kanya maliban nalang kung kilala na niya ang mga ito. Kapag naman sasakay siya ng taxi o grab, palagi siyang nasa likuran lang.
"Bago kong driver." Sagot ni Jennifer.
"Bago na naman? Asan na yung dati mong driver?"
"Umuwi na sa probinsya nila eh. Buti na lang nakahanap agad ako ng pamalit." Muling tinignan ni Penelope ang lalaki. Hindi niya gusto ang hitsura nito. Napaka-daming tattoo nito sa katawan at nakakatakot pang tignan. Hindi naman maisip ni Penelope kung bakit ganitong itsura ang pinili ni Jennifer na maging driver. Parang lider ng mga preso sa bilangguan. Mas bagay pa nga itong bouncer sa mga club. At baka madalas pa niya itong makasama dahil bukas na ang alis nila papuntang Surigao.
"Kasama ba yan sa Surigao?" tanong ni Penelope. Bukas na kasi magsisimula ang photo shoot nina Jennifer para bagong project ng Look.
"Nope. Wala naman siyang gagawin don." Sagot ni Jennifer. Napahinga naman ng maluwag si Penelope. Mabuti naman at hindi ito kasama sa pupuntahan nila bukas. "He'll pick you up tomorrow morning. Tapos dadaanan niyo nalang ako." Dagdag pa nito. Tumingin ito kay Josh at sinenyasan na magpa-kilala siya.
"I'm Joshua Co, from Tondo, Manila." Pakilala ni Josh at inilahad nito ang kamay kay Penelope. Tinignan lang iyon ni Penelope at tinanguan si Josh. "Penelope Salazar." Tugon ni Penelope at binaling ang atensyon nito kay Jennifer. Ibinaba naman ni Josh ang nakalahad niyang kamay nang tanggihan ito ni Penelope.
"Ahmm... magpapa-facial ako, sasama ka? Para fresh yung muka ko bukas sa shooting." Yakag ni Jennifer pero umiling lang si Penelope. "Madami pa akong tatapusin ngayon." tipid na sabi ni Penelope at naglakad ito papunta sa shelves ng mga bulaklak at pinili ang mga kinakailangan niya. Nagkibit-balikat nalang si Jennifer at nagpaalam na ito sa kanya. Hindi naman siya pinansin ni Penelope.
BINABASA MO ANG
The Melodrama of Fate
Fanfiction[SPG|Mature Content] This is a story about fighting for their love with all courage and responsibilities. Karma will always be their twin every time they go against their fate.