Chapter 11

15 1 0
                                    

Chapter 11

Alas-diez na ng umaga. Ito na ang pangalawang araw ng photoshoot ni Alexis. Mahigit dalawang oras na sila sa dalampasigan at kasalukuyang kinukuhanan siya ng litrato. Naka-suot ito ng pulang bikini at may brown na sumbrero.

Sa kabilang banda, naghahanda na si Jennifer para sa kanyang shoot. Inaayos na ang kanyang pupwestuhan na nasa isang hammock. Inaayos na din ang mga produktong kanyang ini-endorse. Nasa tabi niya si Penelope na naka-suot ng skirt at fitted na damit. Pareho silang umiinom ng juice habang naka-upo sa ilalim ng malaking payong.

"I think you have a nice body. Bakit hindi ka mag-suot din ngayon ng swim suits so you can have fun with Jennifer after her shoots?" saad ng make-up artist ni Jennifer kay Penelope habang inaayusan nito Jennifer. Napansin kasi nito si Penelope na tahimik lang sa isang tabi habang pinag-mamasdan ang ibang mga model na babae na naka-swim suit din. Tumingin naman sa kanya si Penelope.

"Hindi ako mahilig mag-suot ng mga ganyan." Saad ni Penelope saka sumandal at ipinikit ang mga mata. "Bakit naman? Sayang naman yang hubog ng katawan mo no. Paniguradong maraming lilingon na boys sa'yo dahil jan siya kasexy-han mo." Tumatawang saad ng baklang make-up artist ni Jennifer na napapatawa nalang din.

"Haynako. Wala akong panahon mag-entertain ng mga lalaki." Saad ni Penelope. "Bakit naman? Ah! Basta mamaya kailangan makita kitang naka-bikini at pupunta tayong bar, ihahanap na kita ng boylet mo. Hindi naman pwedeng NBSB ka nalang habang buhay no! Grabe ka, ilang taon ka na wala ka pa ring jowa." Saad ng baklang make-up artist at inirap-irapan pa nito si Penelope kahit hindi siya kita nito. Inismidan naman siya ni Penelope at tumayo ito.

"Wala akong pake kung tumanda akong walang jowa." Saad nito tsaka naglakad na papalayo. Napahawak naman sa magkabilang bewang ang make-up artist. "Talaga 'tong batang to. Tatandang dalaga talaga 'to eh." Gigil na sabi nito at muling bumalik sa ginagawa niyang pag-aayos ng buhok ni Jennifer.

"Hindi mo talaga mapipilit yan. Kahit kaladkarin mo pa siya ng ilang beses. Hinding hindi yan mag-jojowa." Natatawang sabi ni Jennifer at umiling-iling pa ito.

Tahimik na nililibot ni Penelope ang maliit na garden sa resort. Puno ito ng iba't-ibang halaman. Nakita niya ang isang lalaki na naka-upo at nag-aayos ng mga puting rosas. Pamilyar sa kanya ang flower vase na nasa tabi nito. Iyon ang flower vase na pina-deliver niya sa JN. Marahan niyang pinagmasdan ang pag-gupit ng lalaki sa tangkay ng mga rosas.

Nagulat si Penelope nang makita niya si Matthew na papalapit sa pwesto ng lalaking iyon. Anong ginagawa ni Matthew dito? Sino ang lalaking iyon? Tanong ni Penelope sa sarili, ngayon lang niya nakita ang lalaking iyon na mukang naaasar sa itsura nito at tinatawanan naman siya ni Matthew.

Biglang nabaling ang tingin ni Matthew sa kanya. Tinawag siya nito at pinalalapit sa kanyang pwesto. Agad namang naglakad si Penelope. Bukod kay Zion, kumportable din siyang lumalapit kay Matthew dahil kaibigan naman ito ni Zion.

"Kamusta ang shooting?" bungad na tanong ni Matthew sa kanya. "Maayos naman. Mukang mas mapapa-aga ang tapos nila." Sagot ni Penelope. Binaling niya ang kanyang tingin kay Gavin.

"Si Gavin Lazaro nga pala. Bago kong secretary." Naka-ngiting pakilala ni Matthew sa kanya. Tumango naman sa kanya si Gabby at tinignan niya lang ito saka nagpakilala "Penelope Salazar."

"Ano palang ginagawa mo dito?" tanong ni Penelope kay Matthew. "May biglaan business trip ako ngayon dito. Mamayang gabi pa sila makakarating." Tumango-tango naman si Penelope at nagpaalam na sa dalawa. Dumeretso siya sa villa at nagpadala ng pagkain. Pagkatapos niyang kumain ay dumeretso siya sa pagtulog.

Alas-tres na ng hapon ng magising siya sa malakas na katok sa pinto. Agad siyang bumangon at binuksan iyon. Bumungad sa kanya si Jennifer at ang baklang make-up artist nito. "Ano pang tinutulog-tulog mo jan? Tara na! Sayang ang oras, mag-enjoy na tayo sa beach!" saad ng make-up ni Jennifer.

The Melodrama of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon