Chapter 3

19 4 0
                                    

Chapter 3

Dahan-dahan pang pumasok si Seth sa loob ng opisina ni Zion. Naabutan niyang walang tao sa loob. Pangatlong balik na niya ito sa opisina ni Zion ngayong araw. Isang linggo nadin silang hindi matapos-tapos sa pag-papalit ng layout ng magazine. At sa loob ng isang linggo na iyon ay hindi lamang tatlong beses sa isang araw na naipapatawag siya ni Zion sa opisina nito. Inilapag nito ang bagong layout sa table ni Zion.

Napansin niya ang picture frame sa may bandang kanan. Tinignan niya ito at nakita niyang may kasamang babae si Zion sa picture, si Jennifer. Napatawa naman si Seth ng maalala niyang tinawag siyang "Stupid Guy" ni Jennifer. Hindi naman aakalain ni Seth noon na may jowa ang malditang babaeng si Jennifer. Lalabas na sana ng opisina si Seth pero biglang pumasok si Zion.

"Uhmm, nag-pasa ulit ako sa sa'yo ng bagong layout." Sabi ni Seth. Tinignan lang siya ni Zion at tsaka ito dumeretso sa upuan niya at tinigna ang laman ng folder na may bagong layout ni Seth. Naka-titig lang si Seth kay Zion. Hinihintay nito ang sasabihin ni Zion tungkol sa layout niya.

"Paki-palitan nito. Hindi ko gusto yung pagkaka-layout." Puna ni Zion sa papel na hawak niya at naka-print doon ang sample layout na ipinasa ni Seth.

Tumayo si Zion para lumipat ng pwesto at naupo sa couch na malapit sa pwesto nila. Sinundan naman siya ng tingin ni Seth. Sumenyas naman si Zion na maupo si Seth sa tabi niya sa couch. Sumunod naman sa utos si Seth at naupo na ito sa tabi ni Zion. May mga ilang sample design na pinuna muli si Zion at may mga bagay na ipinapaliwag ito kay Seth. Samantala, hindi naman nakikinig si Seth sa pinag-sasabi ni Zion.

Iniisip ni Seth kung bakit ba niya kailangang magpa-balik-balik sa opisina ni Zion. Hindi pa naman dapat priority ni Zion na tignan araw-araw ang layout na ginagawa niya. Bukod doon ay sample palang naman ang mga ito na dapat hindi pa muna niya ipapakita sa iba dahil wala pa naman ang mga content na dapat ilagay sa magazine. Iniisip din niya na daig pa niya ang Editor ng magazine sa dami ng beses niyang nagpa-balik-balik sa opisina ni Zion.

Napapatingin naman siya sa mga mata ni Zion. Palagi niya itong napapansing seryoso kung maningin. Dumako naman ang tingin niya sa labi nito. Sa palagi niyang pag-punta sa opisina ni Zion ay hindi pa niya ito nakitang ngumiti sa kanya. Hindi rin naman siya na-iinis sa tuwing ipapatawag siya nito. Minsan ay may tuwa pa siyang nararamdaman sa tuwing makikita niya si Zion. At hindi niya maipaliwanag ang bagay na iyon.

Makikitang tumatakbo si Terrence para maabutan ang bukas pang elevator. Ngunit bigla siyang natigilan sa mabilis niyang pag-takbo dahil humarang ang mga props men sa harap niya. Humanap siya ng malulusutan ngunit wala siyang makita. Ilang minuto na lamang ay malelate na siya sa calltime. Papunta siya ngayon sa pangalawang meeting na a-attendan niya ngayong araw. Siya ang kinuhang stylist ng bagong singer artist na kapipirma lang sa Entertainment nila at mag-rerelease ng bagong album.

Kagagaling lang niya sa unang meeting niya kasama ang production team ng Look Magazine dahil isa siya sa mga kinuhang stylist ng mga model para sa malaking project ng Look Magazine. Si Terrence Dave Salazar, kapatid ni Penelope Dale Salazar na manager ni Jennifer Singh. Tatlong taon nang nag-tatrabaho si Terrence sa JN Entertainment at siya pa lamang ang nag-iisang stylist sa entertainment na nag-tatrabaho sa iba't-ibang artista. Dahil ang ibang artista ay may kanya-kanyang stylist na. Maraming taon ang ginugol ni Terrence sa Paris para mag-aral matapos niyang tanggapin ang scholarship na ini-alok sa kanya. Pag-kagraduate ay maraming kumpanya ang nag-alok ng magandang trabaho sakanya ngunit tinanggahin niya ang lahat ng alok na iyon para kay Penelope na naiwang niyang nag-iisa sa Pilipinas noon. Bumalik siya sa Pilipinas dahil kay Penelope, tumanggi si Penelope na sumunod kay Terrence sa Paris dahil nandito daw ang tinuring niyang pamilya, si Jennifer.

The Melodrama of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon