Chapter 18 (part two)

10 1 0
                                    

Chapter 18 (part two)

Agad na nagbihis si Terrence at lumabas ng kwarto niya. Hindi na niya inabala pa ang pagtulog ng kanyang kapatid. Pagkalabas niya ng kwarto, nakita na niya ang dalawang bata na kumakain sa sala. Pinuntahan niya muna si Camile para halikan ito sa noo bago siya nagtungo sa hapag kainan.

Nakita niyang katabi ni Joseph si Warren sa kanan nito. Habang si Sarah ay nasa kabilang dulo ng lamesa naka-upo. Katapat ni Warren si Josh at ang bakanteng upuan ay nasa tabi ni Josh, doon siya umupo kung saan nakatapat niya si Joseph. Pagka-upo ni Terrence sa upuan ay tinanong niya ang kalagayan ni Camile kay Sarah. "Oobserbahan ko si Camile sa loob ng isang linggo. Bumaba ang platelet niya, kailangan kong pataasin iyon at babalik pa kami sa susunod na linggo para tignan kung may pagbabago sa kanya." Sagot ni Sarah.

"Isang linggo ka pa palang titira din muna sa condo ko." Saad ni Terrence habang naglalagay ng pagkain sa plato niya. "Ganon na nga." Saad ni Sarah. "Nabanggit na ba sa iyo ni Silas na magka-birthday sila ni Camile?" tanong ni Terrence kay Warren. Tinignan naman siya ni Warren at tumango, "Gusto niya sanang pumunta sa birthday ni Camile para sabay nalang daw silang mag-celebrate sa mismong araw na iyon. Kung ayos lang sa inyo?" wika ni Warren.

Ngumiti naman si Terrence at tumango, "Pabor pa nga sa amin iyon, hindi ba Sarah?" tinignan ni Terrence si Sarah. "Oo. Gusto rin naman ni Camile iyon." Saad ni Sarah at tumango-tango kay Warren. Napangiti naman si Warren ng malapad. "Muntik ko na kayong mapag-kamalang mag-asawa kanina." Biglang sambit ni Warren at magka-sunod na tinignan sina Terrence at Sarah. Napatigil naman si Terrence at napa-ngiti. Sabay namang nasamid sina Sarah at Joseph nang marinig nila iyon.

"Bakit naman?" tanong ni Terrence. Biglang sinamaan ni Joseph nang tingin si Warren. Hindi niya nagustuhan ang iniisip nito. Hindi pwedeng maging mag-asawa sina Sarah at Terrence dahil sa kanya lang si Terrence. Maghanap nalang ng iba si Sarah, wag na si Terrence.

"Sabi kasi ni Joseph dati, anak mo daw si Camile. Tapos noong nakita ko si Sarah kanina akala ko siya ang nanay." Natatawang sabi ni Warren. "Buti nalang nakwento ulit sa akin ni Joseph na hindi mo daw anak si Camile. At hindi rin siya anak ni Sarah." Dagdag pa ni Warren. Mabilis na nilingon ni Sarah si Joseph. Hindi niya dapat iyon sinabi kay Warren. "Nasaan ang magulang ni Camile?" tanong ni Warren. Saglit na hindi sumagot si Terrence. Sumubo muna ito ng pagkain sa kanyang bibig.

"Nasa abroad. Ibinilin lang siya sa akin." Sagot ni Terrence at napatango naman si Warren. Nakahinga naman ng maluwag si Sarah. Tinignan naman ni Josh si Sarah bago sumubo ng pagkain. Biglang nagsalita si Josh, "Bakit mo naman inisip na mag-asawa itong si Terrence at Sarah? Ha?" napatingin naman si Warren kay Josh at napataas ang kilay. "Nakwento ko na hindi ba?"

"Sus. Baka gusto mo lang pormahan si Sarah. Kaya inalam mo muna kung sasabit ka o hindi." Saad ni Josh at sumama naman ang tingin sa kanya ni Warren. "Hindi no! Akala ko lang talaga mag-asaw sila! Pinagsasabi mo jan." inis na sabi ni Warren. Tumatawa naman sina Terrence at Joseph habang pinapakinggan silang dalawa.

"Baka nga ikaw jan ang pumuporma kay Sarah eh." Dagdag pa ni Warren. At lalo pang natawa si Terrence sabay napa-iling. Hindi na naman tumawa si Joseph nang sabihin iyon ni Warren. Hindi niya gusto si Josh para kay Sarah. Bigla namang tumikhim si Sarah at ipinatong sa balikat nina Warren at Josh ang kamay niya dahil malapit lang ito sa kanya.

"Kung gusto niyo akong dalawa, sabihin niyo lang sa akin. Pagalingan kayo ng pangliligaw sa akin." Wika ni Sarah. Tumawa ito at tinignan ang dalawa. Pero mas tinitigan niya si Josh na nakatingin lang din sa kanya. "Wala akong balak ligawan ka, Sarah. Kung ano lang masabi niyang si Josh eh." Inis na sabi ni Warren at inalis nito ang kamay ni Sarah sa balikat niya. Natawa na lang si Sarah sa ginawa ni Warren at napailing.

The Melodrama of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon