Chapter 20
Nilalamig na bumaba ng taxi si Seth. Nabasa pa rin siya ng ulan kahit naka-silong na siya sa isang waiting shed kanina. Madami din kasing nakasilong at sa gilid siya naka-pwesto kaya nabasa pa rin siya ng ulan. Basang-basa ang kanyang damit at buhok. Agad siyang pumasok sa lobby ng condo at kina-usap siya ng babae sa front desk. Sinabi niya ang kanyang pangalan at agad naman siyang pinatuloy ng babae. Ibinillin na rin kanina ni Jennifer na bisita nila si Seth. Nang makasakay siya ng elevator ay agad siyang naghanap ng pamunas sa kanyang bag. Nakita niya ang isang panyo niya at ipinunas iyon sa kanyang buhok.
Pagkalabas niya nang elevator, deretso siyang naglakad sa harap ng pintuan ng condo ni Zion at binuksan iyon dahil alam niya ang password nito. Nagtataka siya kung bakit patay ang ilaw at tanging maliliit na ilaw lamang ang bukas. Pumasok siya sa loob at laking gulat niya nang makita si Zion na dahang-dahan na inihihiga si Jennifer sa sofa habang magka-dikit ang kanilang mga labi. Napahigpit siya ng kapit sa kanyang bag. Hindi siya makagalaw. Hindi niya rin mai-alis ang kanyang tingin sa dalawa. Hindi niya namalayang napa-yukom ang kanyang isang kamao at pinipigilan ang sariling huwag lapitan si Zion at hilahin ito papalayo kay Jennifer. Wala siyang karapatan gawin iyon.
Hindi niya malaman kung bakit ba nakatayo pa siya doon at pinapanood ang dalawa. Nakita niyang gumapang ang isang kamay ni Zion sa bewang ni Jennifer. Biglang sumagi kanyang isip, ang kanina niya lang iniisip na kung ginagawa ba ni Zion kay Jennifer ang ginagawa nito sa kanya, ngayon ay kitang-kita na ng mga mata niya at totoong nangyayari sa kanyang harapan. "Seth?" gulat na bumalik ang tingin ni Seth kay Jennifer nang tawagin nito ang kanyang pangalan. Agad siyang tumalikod nang mapag-tanto niyang nahuli siya ni Jennifer na pinapanood sila. Ngayon lang din niya napag-tanto na dapat hindi siya pumasok dahil ang alam ni Jennifer ay ito ang unang beses na pupunta si Seth sa condo ni Zion. Kinabahan si Seth dahil hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanang kung paano siya naka-pasok sa loob ng condo ni Zion.
Mabilis na tumayo si Jennifer at inayos ang kanyang sarili. Lumapit ito kay Seth. "Sorry, hindi ko sinasadya." Wika ni Seth nang maramdaman niyang lumapit si Jennifer sa kanya. Nahiya naman bigla si Jennifer at namula ang kanyang pisngi. "H-halika dito sa salas." Pag-aya ni Jennifer at bumalik ito sa salas tsaka pinalipat ng upuan si Zion. Mas mabuti nang kalimutan nalang nila ang nangyari na nakita ni Seth ang ginawa nila ni Zion.
Nakatingin lang sa sahig si Seth na sumunod at na-upo sa sofa. Mabilis niyang binuksan ang kanyang bag at hinanap ang flashdrive na naglalaman ng mga larawan ni Jennifer. Nang makuha na niya ang flashdrive ay mabilis niya itong ipinatong sa lamesa na nasa harapan nila. Kailangan na niyang maka-alis bago pa magtanong si Jennifer sa kanya. "Kailangan ko nang umuwi. Mauna na ako." Saad ni Seth nang hindi tumitingin kay Jennifer.
Agad na tumayo si Seth nang mai-sara na niya ulit ang bag niya. "Teka lang" wika ni Jennifer at hinawakan ang kamay ni Seth kaya napa-lingon si Seth sa kanya. Napa-sulyap din si Seth kay Zion na ngayon ay naka-tingin lang din sa kanya na mukang kinakabahan na din dahil naka-pasok si Seth nang basta-basta sa kanyang condo. Mabilis na nai-balik ni Seth ang tingin kay Jennifer. "K-kumain ka na ba?" nauutal na tanong ni Jennifer na ipinagtaka naman ni Seth. Bakit? Nahihiya pa rin ba ito sa kanya dahil nakita niyang may ginagawa sila ni Zion?
Tumango si Seth at inalis ang kamay niya sa pagkakahawak ni Jennifer. "May kailangan akong gawin sa bahay kaya kailangan ko ng umuwi." Wika ni Seth bago muli siyang tumalikod pero pinigilan ulit siya ni Jennifer na tumayo na din. Agad na ring napatayo si Zion at hinawakan sa balikat si Jennifer. "Hayaan mo na siyang umuwi. Masyado ng gabi." Saad ni Zion at nilingon naman siya ni Jennifer. "Sandali lang" inis na sabi ni Jennifer kay Zion at tinalikuran ito tsaka tinawag si Seth kaya humarap ulit ito sa kanya. "Mukang nabasa ka ng ulan. Teka lang, ikukuha kita ng damit ni Zion." wika ni Jennifer tsaka pumunta sa kwarto ni Zion.
BINABASA MO ANG
The Melodrama of Fate
Fanfiction[SPG|Mature Content] This is a story about fighting for their love with all courage and responsibilities. Karma will always be their twin every time they go against their fate.