Chapter 5

20 3 0
                                    

Chapter 5

Tahimik na naka-titig si Jennifer sa kaharap niyang babae. Tinitignan nito ang makinis nitong muka, mapupungay at kulay hazel na mga mata, mapupulang mga labi, maputi, maganda ang hugis at tindig ng katawan. May katangkaran rin ito at mahabang kulay brown na buhok. Tahimik din itong nakikinig sa nag-sasalita sa kanilang harapan. Minsan ay ngumingiti ito na siya namang nakakapag-bigay ng matinding inis sa kanya.

Nasa meeting sila ng Look Magazine ngayon. Pinag-uusapan nila ngayon ang final details na ilalabas ng Publisher para sa issue nila ng apat na buwan. Ang Four Seasons na binubuo ng Autumn, Spring, Summer at Winter na kanilang tema ngayon ang kaunahan nilang series ng magazine. Simula sa September hanggang matapos ang taon ay ito ang kanilang ilalabas. Sa apat na issue, kahit isa ay hindi napiling maging cover girl si Jennifer. Ma-ffeature lamang siya sa mga ito dahil sa mga brands na kailangan niyang i-endorse.

Mula nang mag-umpisa ang meeting ay tahimik lang siyang naka-upo at nakikinig. Kahit gusto niyang ipaglaban ang kagustuhan niyang maging cover girl ay hindi niya magawa dahil nandoon ang publisher ng Look. Kilala itong istrikta at may iisang salita. Hindi gustong mawalan ni Jennifer ng parte sa magazine kaya nanahimik siya ng hindi siya ang napiling cover girl ng apat na issue ng Look Magazine. Tanging si Zion lamang ang nakakapag-pabago ng isip ng publisher. Pero walang talab si Zion sa publisher ngayon, lalo na at sales ang pinag-uusapan. Tataas ang sales ng Look sa magiging cover girl ng magazine nila ngayon. Dahil malakas ang impluwensiya nito sa mga tao ngayon sa larangan ng modeling. Bukod doon ay galing pa itong ibang bansa kung saan isa siyang top model.

Naka-tingin parin si Jennifer sa babaeng nasa harap niya. Ito ang naging cover girl sa Look Magazine. Ang umagaw ng oportunidad sa malaking project ng magazine na dapat ay kay Jennifer mapupunta. Naka-tayo ito ngayon at nakikipag-kamayan sa mga miyembro ng Look Magazine. Nakikipag-tawanan pa ito habang nakikipag-usap. Naroon din Zion na tuwang-tuwa din na nakikihalu-bilo sa bagong model at lalo siyang na-iinis sa nakikita niya.

"Alexis Ross, huh? Mang-aagaw." Bulong ni Jennifer sa sarili saka tumayo sa kina-uupuan niya at lumabas ng meeting room. Mabibigat ang mga paa niyang nag-lakad papunta sa opisina ng boyfriend niyang si Zion.

"Proceed to my office after this." Wika ni Zion kay Seth. Mag-katabi sila ngayon ng upuan sa meeting ng Look Magazine. Nag-tataka namang napa-tingin si Seth sa kanya. Dalawang araw siyang hindi ipinatawag ni Zion. Tapos ngayon bigla-bigla siyang papupuntahin sa opisina nito. Wala pa naman siyang bagong layout na natapos ngayon.

Tumayo ang lahat at lumapit sa bagong model ngayon ng Look. Maganda ito, matangkad at maputi. Hindi maiwasang igala ni Seth ang mga mata niya kay Alexis. Nakipag-kamay ito sakanya at bumati. Na-amoy niya ang pabangong ginagamit nito. Mahinhin itong kumilos at malambing kung mag-salita. Pagkatapos niyang makipag-batian ay agad siyang lumabas at pumunta sa kanyang working place. Inilapag niya ang dala niyang gamit kanina sa lamesa at napa-buntong hininga.

"Anong problema mo? Napapabuntong hininga ka jan?" tanong ni Christine na katrabaho niya. Isa itong Social Media Manager ng Look Magazine. Siya ang namamahala sa pag-gawa ng articles online tungkol sa Look. Si Christine ang kaunahang naging close niya sa lahat. Pala-kaibigan kasi ito at medyo madaldal.

"Pinapa-punta na ulit ako ni Mr. Moore sa opisina niya eh." Sagot ni Seth saka na-upo sa upuan niya.

"Bakit na naman daw? Hindi na naman ba pasado yang layout na nagawa mo?" tanong ni Christine na umupo sa katabi niyang table.

"Ewan ko don. Nauubusan na nga ako ng ideya sa pag-reject niya ng mga layout ko eh." Muling napa buntong hininga si Seth.

"Kaya siguro lagi ka niyang pinapatawag at nirereject yang layout mo kasi siguro tumaas na yung standards niya pagdating sa magazines." Sabat ng isa nilang katrabaho.

The Melodrama of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon