Chapter 7

14 2 1
                                    

Chapter 7

"Anong ginawa niyo kagabi?" naka-patong sa magka-bilang kamay ni Leila ang kanyang ulo. Interesado itong naka-tingin kay Seth at hinihintay niya itong mag-kwento.

"Ano pa ba sa tingin mo ang gagawin namin don?" Walang gana namang naka-upo lang si Seth sa pwesto niya. Ina-antok pa ito dahil hindi siya naka-tulog ng maayos.

"Mag-kwento ka naman jan."

"Ano bang i-kkwento ko?" tanong ni Seth. Wala naman siyang dapat i-kwento eh. Nag-libang lang naman sila kagabi ni Zion sa shooting range. Gusto lang talaga nitong si Leila na malaman ang lahat kay Zion dahil crush na crush niya ito.

"Tulad ng kung paano ba siya bumaril? Magaling ba siya bumaril? Mga ganoong bagay. Sige na, magkwento ka naman jan." pagpupumilit ni Leila. Napa-buntong hininga nalang si Seth.

"Tinuruan niya lang ako kagabi kasi hindi ako maalam." Wika ni Seth.

"Halaaa. Pano ka niya tinuruan? Hiwakan ka ba niya sa kamay? Anong feeling? OMG! Kung ako yun mahihimatay nako sa kilig." Sunod-sunod na sabi ni Leila at pinanggigilan pa nito si Christine na katabi niya.

"Tumugil ka nga jan Leila! Malay ba ni Seth kung anong feeling ng ganon? Di naman babae yang si Seth para kiligin ng tulad mo eh." Wika ni Christine kay Leila na grabe kung kiligin sa harap nila ni Seth. Naalala tuloy ni Seth nung hinawakan siya ni Zion sa mga kamay. Malaki ang mga kamay ni Zion, bumabakat din ang mga ugat nito .

"Sa picture ko lang kasi nakikita yung mga abs ni Zion, yung malapad niyang dibdib at balikat tapos yung mga braso niya." Kwento ni Leila. Para itong highschool student na kinikilig.

Hindi naman ma-iwasan sumagi sa isip ni Seth ang mga pinag-sasabi ni Leila. Nai-imagine na nga din niya yung katawan ni Zion pati mga braso at dibdib nito. Di niya din tuloy ma-iwasan alalahanin ang pakiramdam ng katawan ni Zion sa likuran niya noong tinuturuan siya nitong umasinta at bumaril. Ramdam pa rin niya ang mga kiliti sa kanyang batok noong nag-sasalita si Zion dahil sa hininga nito. Naririnig din niya ang malalim na boses ni Zion sa kanyang tenga. Na-alala din niya ang huling sinabi sa kanya ni Zion kagabi. I enjoyed being with you tonight, Seth. Good night.

"Huy Seth. Bakit namumula yang pisngi mo?" tanong ni Christine nang mapa-tingin ito sa tulalang si Seth.

"H-huh?" hinawakan niya ang pisngi niya at medyo mainit nga ito.

"Oo nga. Pati yang tenga mo namumula din. May sakit ka ba?" tanong ni Leila. Naka-tingin lang ang dalawa kay Seth.

"Wala naman akong nararamdamang kaka-iba. Mainit lang siguro." Sabi ni Seth. Wala naman siyang nararamdamang sakit sa katawan. Bukod sa ina-antok lang siya at mabigat ang mga mata niya ay wala naman siyang nararamdamang kaka-iba.

"Buti naman. Second half na ng July. Hindi ka pwedeng magka-sakit." Sabi ni Christine.

"Naalala ko tuloy yung kaklase ko noong highschool, ganyan ang muka niya. Namumula ang mga pisngi at mga tenga kapag kinikilig." Biglang sabi Leila. Napa-tingin naman si Seth sa kanya.

"Kinikilig ka ba Seth?" tanong ni Christine kay Seth. Naguguluhan naman ang itsura ni Seth. Bakit naman siya kikiligin?

"Hindi." Simpleng sagot ni Seth.

"Eh bakit ganyan yang muka mo? Sensitive ba yang muka mo? Parang ngayon ko lang naman nakitang ganyan ang muka mo ah?." Usisa ni Leila sa muka ni Seth.

"Hindi ko nga alam. Baka may na-kain lang akong bawal sakin." Sabi ni Seth tsaka nag-simulang mag-ayos ng mga layout sa computer niya.

"Hayaan mo na nga yan Leila. Ang dami mo pang daldal jan. Mag-trabaho na tayo." Saad ni Christine at tsaka bumalik sa table niya. Naka-simangot namang bumalik ng table niya si Leila. Gusto pa nitong makipag-kwentuhan kay Seth.

The Melodrama of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon