Chapter 9
Makikita sa malayo ang pag-kaway nina Joseph at Camile. Nasa parking sila ngayon at kinakawayan ang paparating na si Terrence. Kakatapos lang nito sa trabaho niya. Karga-karga ni Joseph si Camile, maghapon na sila lamang ang mag-kasama sa condo ni Terrence dahil walang pasok ngayong araw si Camile. Kinuha ni Terrence si Camile mula sa pagkaka-buhat ni Joseph at hinalikan niya ito sa pisngi.
"Ako?" wala sa sariling saad ni Joseph nang makita niyang hinalikan ni Terrence si Camile sa pisngi.
"Ha?" nag-tatakang tanong ni Terrence at naka-tingin ito kay Joseph. Napa-iwas naman ng tingin si Joseph.
"Tinatanong ko kung ako ba yung mag-ddrive." Palusot pa ni Joseph kahit gusto din naman niya ng kiss mula kay Terrence. Hibang na kung tatawagin, di naman niya mapipigilan ang nararamdaman niya.
"Syempre ikaw, hindi ko naman alam kung saan tayo pupunta." Sagot ni Terrence at ipinasok na sa loob ng kotse si Camile.
"Sabi ko nga." Saad ni Joseph at pumasok na rin sa loob ng kotse.
"Bakit ang daming gamit dito sa loob?" tanong ni Terrence ng mapansin ang malaking bag niya na ginagamit niya lang kapag may overnight siyang trabaho. Nasa loob din ang dalawang bag ng gitara na pagmamay-ari ni Joseph at Camile. Meron ding isang malaking cooler sa likuran. Nandoon din ang hindi kalakihang pink na bag ni Camile.
"Kailangan natin yan lahat mamaya sa pupuntahan natin." Sabi ni Joseph at nilingon si Terrence sa likuran. Binuksan ni Terrence ang bag niya. Nakita niya ang laman noon na may damit niya at ilang hygiene items na nakalagay sa isang pouch.
"Ikaw ang nag-lagay nito lahat?" tanong ni Terrence.
"Sino pa bang mag-lalagay niyan jan?" saad ni Joseph. Totoong pinaki-alaman ni Joseph ang damitan ni Terrence at ilang gamit nito na dapat niyang dalhin. Ganun din kay Camile. Muling isinara ni Terrence ang bag niya at ini-ayos ang pwesto ni Camile. Sa passenger seat naman na-upo si Terrence.
"Mag-oover night ba tayo sa pupuntahan natin?" tanong ni Terrence at pinaandar na ni Joseph ang sasakyan.
"Oo. Isang gabi lang naman. Babalik naman tayo agad bukas ng umaga." Sagot ni Joseph.
"Gaano ba kalayo yung pupuntahan natin?"
"Hmmm. Siguro mga dalawa hanggang tatlong oras."
"Kamusta kayo ni Camile kanina?" tanong ni Terrence. Nag-aalangan pa siyang iwan si Camile kanina kay Joseph dahil hindi naman alam ni Joseph kung paano niya aasikasuhin si Camile.
"Pinapansin naman niya ako pero hindi niya pa rin ako kinaki-usap. Nung magising siya, nanood lang siya ng tv hanggang sa mag-isa na siyang maligo. Pagka-tapos bihis narin siyang lumabas sa cr. Ako nalang nag-ayos ng buhok niya kahit hindi ako maalam." Kwento ni Joseph at tinignan naman ni Terrence si Camile na hindi pantay ang pagkaka-pig tail ng buhok nito. Napatawa naman ng kaunti si Terrence sa ayos ng buhok ni Camile.
Napapansin niyang lumalaking independent si Camile. Pwede na niya itong iwan ng walang bantay basta may pagkain lang. Pero syempre hindi niya gagawin iyon. Lalo na sa sitwasyon ni Camile ngayon. Pina-daan ni Terrence si Joseph sa Mcdo para bumili ng pag-kain dahil hindi pa siya nag-tatanghalian.
Matapos ang mabahang byahe nila. Narating nila ang bayan ng Tingloy sa Batangas. Ginising ni Joseph si Terrence na naka-tulog mula sa byahe. Nag-unat pa ito sandali nang magising dahil sa ngalay.
"Ikaw na ang mag-dala kay Camile, ako na sa mga gamit." Ini-abot ni Joseph ang susi ng kwarto ng hotel na tutuluyan nila. Kinarga na ni Terrence si Camile at ang ilang bag.
BINABASA MO ANG
The Melodrama of Fate
Fanfiction[SPG|Mature Content] This is a story about fighting for their love with all courage and responsibilities. Karma will always be their twin every time they go against their fate.