Chapter 8
Anim na araw ang naka-lipas. Araw ng Huwebes. Abala ang lahat sa loob ng opisina ng Look Magazine. Kasalukuyang ginagawa ang printing ng magazine para sa issue sa nalalapit na buwan ng Agosto.
"Seth. Huy Seth." Kulbit ni Leila kay Seth na abalang tinitignan ng mabuti ang na-imprintang magazine na hawak niya. Tumingin siya kay Leila.
"Pwedeng humingi ng favor?" binigyan pa nito ng matamis na ngiti si Seth.
"Ano yun?" tanong ni Seth.
"Pwede bang kuhanan mo ng picture si Mr. Moore para sakin?"
"Ano? Ayoko nga." Tanggi ni Seth. "Idadamay mo pa ako jan sa kalokohan mo, Leila."
"Sige na, Seth. Kahit pa-birthday mo na to sakin next week. Please???" kumapit pa ito sa braso ni Seth at ngumuso pa.
"Ikaw nalang mag-picture sa kanya. Bakit ako pa uutusan mo?" tanong ni Seth at inaalis pa nito ang pag-kakahawak sa kanya ni Leila.
"Ikaw kasi yung palaging nasa office ni Zion. Kaya sige na pumayag kana..." niyu-yugyog na nito si Seth at nagmamaka-awa na.
"Oo na nga. Sige na. Ang kulit mo talaga. Isa lang ha?" saad ni Seth at inayos ang kanyang suot dahil nagulo ito sa pagkaka-yugyog ni Leila. Lumapad ang ngiti ni Leila sa kanyang narinig.
"Waahhh! Thank you Seth! OMG!" masayang saad ni Leila at bumalik na sa pwesto nito. Napa-buntong hininga naman si Seth at napa-kamot ng ulo.
"Seth, pwede bang ikaw ang mag-dala nito sa office ni Mr. Moore?" iniabot ni Mike ang dalawang folder na hawak niya. Kinuha naman iyon ni Seth.
"Sige. Papunta na rin naman ako doon." Ngiting sagot ni Seth.
"Salamat." Saad ni Mike bago umalis.
Kinuha ni Seth ang magazine na hawak niya kanina. Dadalhin niya din iyon kay Zion dahil ini-utos ito sa kanya kahapon. Lumabas siya ng kanilang opisina at dumeretso sa office ni Zion. Pag-dating niya doon ay walang tao. Inilapag niya ang hawak na dalawang folder at isang kopya ng magazine na ilalabas sa darating na buwan ng Agosto.
Alas-nuebe na ng gabi at pwede na siyang mag-out. Mukang maaga pa siyang makaka-uwi ngayon kumpara sa mga ibang katrabaho niya. Papalabas na sana siya ng pinto nang mapansin niya ang isang bagay sa coffee table. Dala ng kuryusidad ay nilapitan niya ito. Dinampot niya ang isang military necklace. Pero bago pa niya matignan ang nakalagay sa kwintas na iyon ay bumukas ang pinto kaya mabilis niya itong itinago sa likuran niya.
Naka-tingin ang mapupungay na mga mata ni Zion sa kanya ngayon. Medyo namumula rin ang muka nito at tenga nito.
"Ano yan?" tanong ni Zion dahil nakita nitong may itinago si Seth sa likuran niya.
"W-wala naman." Sagot ni Seth nang hindi tumitingin sa mga mata ni Zion.
"Ano nga yan?" lumapit si Zion para hilahin ang mga kamay ni Seth.
"Wala nga ito." Iwas ni Seth. Na-aamoy niya ang matapang na alak sa katawan ni Zion. Kaya siguro mapupungay ang mga mata nito at namumula ang muka.
"Ang init." Sambit ni Zion at niluwagan nito ang neck tie na suot niya. Pagka-tapos ay niluwagan din nito ang suit na suot.
"Alam kong may tinatago ka. Ano yan?" muling tanong ni Zion.
"Wala nga. Aalis na ako." Nakaka-isang hakbang pa lamang si Seth ay mabilis siyang nahila ni Zion at isinandal si pader.
Naka-tuon ngayon ang kamay ni Seth na may hawak ng kwintas sa kanyang dibdib at hawak iyon ni Zion ng mahigpit. Heto na naman. Malapit na naman si Zion sa kanya. Ramdam niya ulit ang mainit na hininga nito. Parang isang pulgada lang ang pagitan ng kanilang mga muka. Muli siyang hindi mapakali sa kanyang pwesto at hindi maka-galaw. Naka-tingin siya ngayon sa mga mata ni Zion. Para itong ina-antok dahil siguro lasing ito. Kaka-iba ang mga tingin niya ngayon, hindi katulad ng dati na seryosong maka-tingin. Malalim ang titig ng mga iyon sa mga ni Seth.
BINABASA MO ANG
The Melodrama of Fate
Fanfiction[SPG|Mature Content] This is a story about fighting for their love with all courage and responsibilities. Karma will always be their twin every time they go against their fate.