I stared at him habang malawak siyang naka-ngiti sa akin.
Goodness! He looks so good with that smile!
Sumunod ang mata ko nang hinawi niya pa ang buhok niya papataas. Ramdam ko ang medyo pagtuyo ng lalamunan ko kaya naman agad akong umiling at saka nagpatuloy sa paglangoy.
Ganoon din naman ang ginawa niya. We spent an hour sa paglangoy. Pagkatapos ay saka napagpasyahang umuwi na.
Sinuot ko ulit ang bestida ko, nilingon ko siya at agad na uminit ang pisngi ko nang makitang isinasara na niya ang zipper ng shorts na suot. Tumikhim ako at nauna nang maglakad papunta sa sasakyan.
Parehas kaming walang imik sa byahe pauwi. Naka-ilang sulyap na ko sa kanya pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin at mukhang nag-iisip nanaman.
Whatever he's thinking, I'm sure that it has something to do sa pag-iyak niya kanina.
Agad akong bumaba pagka-park ko ng sasakyan. Kahit na nagtatanggal pa ng seatbelt si Priam ay nauna pa rin ako. Sinalubong agad ako ni Mama sa tanggapan ng mansyon, medyo napatigil nang makita ako ng buo, magsasalita na sana siya nang lumipat ang tingin niya kay Priam na nakasunod na pala sa likod ko.
"Galing kaming beach ma. Akyat po muna ako sa kwarto at maliligo ako." wika ko.
Bago pa makapagsalita si Mama ay mabilis akong umakyat. Hindi ko na nilingon si Priam. Agad akong dumiretso sa banyo at huhubarin na sana ang bestidang suot nang mapatingin ako sa malaking salamin sa harap. Agad na nag-init ang pisngi ko dahil sa hitsura.
I looked horrible! Mukha akong ginahasa dahil sa nagsabog na buhok at hindi maayos na pagkakasuot ng bestida!
Dali-dali akong naghubad at saka naligo.
Pababa pa lamang ako ng hagdan ay rinig ko na ang boses ni Mama sa sala. Ngumiti si Tita Leticia pagkakita sa akin kaya naman ngumiti din ako pabalik. Naupo ako sa tabi niya at saka binalingan ang aking ina na ngayon ay nakatitig na sa akin.
"What?" Kuryoso kong tanong.
Sa halip na sagutin ako ay ngumisi lamang ito kaya naman kumunot na ang noo ko. Napabaling ako kay Tita Leticia nang tumawa ito.
"She thinks that something happened between you and Priam iha." Kaswal nitong wika.
Mabilis akong umiling-iling at binalingan ang aking ina.
"Nothing happened ma! We just went out for a swim." Pagtatanggol ko sa sarili ko. Tumawa lamang siya at saka binalingan si Tita.
They are exchanging looks at hindi ko alam kung para saan iyon.
Why would my mother conclude that way? Something happened but it's not what she thinks!
Ibinaba ko ang tingin ko nang maalala nanaman ang hitsura ni Priam kanina. He cried as if he was in a deep kind of pain. Kahit na hindi naman siya humagulgol at tamang patak lang ng luha ang nakita ko, sigurado akong matagal niyang kinimkim iyon. It was a first time for me to witnessed something like that. Hindi halata sa hitsura niya na kaya niyang umiyak!
Napabuga nalang ako ng hangin at saka hinayaan ang sarili na makinig sa usapan nila Mama.
"Nanggaling daw kayo sa beach ni Priam iha?"
Napahinto ako sa pagsubo nang magtanong si Papa kaya naman tumango ako.
"Wala akong maisip na mapuntahan kanina Papa kaya sa beach ko nalang siya dinala." Sagot ko at saka sinulyapan si Priam na seryosong kumakain sa harapan ko.
Bago pa man umangat ang tingin niya ay agad kong inilipat ang tingin sa aking ama, malawak itong ngumiti sa akin bago sumulyap kay Priam.
"Did you enjoy the beach iho?"
![](https://img.wattpad.com/cover/223812166-288-k361881.jpg)
BINABASA MO ANG
Remembering Sunshine (La Castellana Series 1)
RomanceLa Castellana Series 1 (On-Going) See how Adahlianna Fuentes will conquer all the confusion and frustration she got after being involved in an accident that resulted her to forget a lot of important things... and that includes her only love and happ...