Some of my friends told me that I am an open book. You can clearly read what's on my mind, see my emotion with all of my actions and everyone can easily sense if something is wrong with me.
I have never been ashamed of it because it's true.
I was raised by my parents to never fake my emotions. I was taught that if words are hard to be spoken, I can freely use my actions and expression to show people what I truly feel.
Kahit isang beses ay hindi ako nagsisi sa mga hakbang na ginawa ko sa buhay. It's my emotion, why would I hide it?
But last night, after seeing Priam being so happy with another girl and me, acting as if I am a jealous girlfriend is just ridiculous!
I felt so ashamed and stupid.
Sobrang pinagsisisihan ko na umakto ako ng ganoon kagabi. Why did I end up that way? Fine. I like him!
I like him but it will never be enough to justify what I did last night.
I was rude and being unreasonable.
Ano naman ngayon kung masaya siya habang kausap yung babae? It's his damn choice and I don't have the right to feel jealous. Wala naman siyang sinabi na gusto niya ako. In fact, ako lang 'tong parang sira na mabilis na nagkagusto sa kanya.
His actions were always reserved when it comes to me. He's just being nice and that's all!
Pabagsak akong nahiga sa kama ko. Mag a-alas tres na ng hapon pero hindi parin ako nakakalabas ng silid ko simula pa kagabi.
Nagpapahatid lamang ako ng pagkain dahil paniguradong hindi ko kakayaning harapin si Priam. Kawawa naman yung tao at walang kaalam-alam na naging biktima siya ng pagiging iresponsable ko. Kung hindi ko lang sana hinayaan ang sarili ko na umakto ng ganoon!
Good thing that Mama isn't being nosy at all! Siguro ay dahil ngayon na ang huling araw ng bakasyon nila Tita Leticia dito at bukas na ang alis nila kaya naman doon ang pokus ng atensyon ng aking ina.
Bumuntong hininga ako habang nilalaro ang sariling buhok. They're leaving tomorrow, that means that I'll never see him again. Siguro ay hindi na siya babalik dito. He has his own life abroad, he's got his own issues to fix. Siguro naman ay kuntento na siya sa oras na ginugol niya dito sa La Castellana.
Itong nararamdaman ko ngayon, siguradong lilipas din ito. I have plans ahead of me. I'm sure that I'll meet a man in the future na mas mahihigitan itong pagkagustong nararamdaman ko para kay Priam.
Ang masyadong maagang pagkahulog ko sa kanya ay ganoon din kabilis na mawawala. Sigurado ako dun.
Napabaling ako sa pintuan nang may kumatok mula doon.
"Pasok."
Hindi na ako nag-abalang ayusin pa ang pwesto ko. Bumukas ang pinto at agad akong ginapangan ng hiya nang makitang si Priam iyon at nakapasok na.
Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga saka siya binalingan ng tingin.
Inikot niya ang tingin sa buong silid at tumigil iyon sa pader kung saan nakasabit ang painting ng mukha ko na siya ang may gawa. Tumikhim ako para maagaw ang atensyon niya.
"May kailangan ka?"
Hindi ako mapakali sa titig niya kaya naman agad kong inilipat ang tingin ko sa mga libro na nasa bookshelf sa gilid niya.
"Hindi ka daw lumabas."
"M-masama lang ang pakiramdam ko." Sagot ko. Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko kaya naman naupo ako sa kama.
BINABASA MO ANG
Remembering Sunshine (La Castellana Series 1)
RomanceLa Castellana Series 1 (On-Going) See how Adahlianna Fuentes will conquer all the confusion and frustration she got after being involved in an accident that resulted her to forget a lot of important things... and that includes her only love and happ...