Bumalik sa table namin si Patty at saka natatawa akong tinabihan. Napa-nguso ako nang makitang may kiss mark na agad ito sa kaniyang leeg.
"Oh come on, Adah! Hindi tayo pumunta dito para manatili ka sa pwesto mo, we're here to have fun!" Malakas n'yang sabi.
"Mamaya na, hinihintay ko pa si Engineer Gigi." Sagot ko at saka tumingin banda sa dinaanan kanina ni Gigi.
Magte-trenta minutos na s'yang nasa banyo!
Tatayo na sana ako para sundan si Engineer Gigi sa banyo nang bigla akong kinalabit ni Pattu.
Nakita kong itinuro ni Patty ang kabilang table na nasa gilid namin. Mahina kong kinurot ang tagiliran niya nang malakas siyang tumili habang nililingon ang grupo ng mga kalalakihan na naka-pwesto do'n. Napatingin ang ilan sa kanila, marahil nakita ang pag-turo sa kanila ni Patty.
"Patty, umayos ka nga!" Sita ko sa kaniya nang malandi siyang tumili dahil may isang lalaking kumindat at nag-wave dito sa banda namin. Natatawa niya akong tiningnan pabalik at pilyang ngumisi sa akin.
"Single ako Adah, ano ka ba naman!" Wika niya pa at saka tumayo. Kinalabit niya ang nag-iingay na si Dreammie at saka saglit na itinuro yung pwesto nung mga lalaki.
Napailing nalang ako nang walang hiya-hiyang lumapit si Patty at Dreammie sa grupong naroon.
Inabot lang ng ilang minuto at masaya na silang nakikipag-kwentuhan sa mga ito. Napansin kong wala na si Fury Oliveroz sa mga nakaupo do'n.
Nagkibit-balikat na lamang ako at saka nilingon ang nag-iingay na mga kasamahan. Nakita kong nagbubulungan pa si Tina at yung isang katabi niya, kumuha ako ng panibagong bote ng alak at saka sinalinan ang baso ko.
I've been to a lot of bars, nagpa-party din naman ako pero hindi katulad ng iba na party animal ang dating at sobrang wild sa dance floor. Pumupunta lang ako kapag na-imbitahan o kapag sinasama ako ni Ynoe.
I'm trying not to get drunk for tonight kasi ako ang maghahatid kay Engineer Gigi mamaya.
Binalingan ko si Tina nang tumabi ito sa akin at parang may gustong sabihin ang ekspresyon. Kumunot ang noo ko at saka nagtanong.
"Lasing ka na?" tanong ko. Agad naman siyang umiling at saka binalingan ang kausap niya kanina.
Weird.
"Wala tayong pasok sa opisina bukas kaya you can enjoy 'no. Baka naman nakalimutan n'yong ako ang magbabayad?" biro ko sa kanila at saka diretsong ininom ang alak na bagong salin ko.
"Ms. Adah, nandito din po pala sila Sir Priam at Sir Ynoe e." Mahinang wika ni Tina.
"Huh? Saan?" tanong ko at saka inikot ko ang paningin sa banda namin at nakitang wlaa naman doon sila Priam.
Puno ng tao ngayon ang dance floor na nasa gitna naka-pwesto kaya naman hindi ko makita ang kabilang parte ng bar.
Baka nasa kabila sila?
"Nasa VIP room po sa kabilang side. Pero kita naman po Ms. Adah kung sino ang nasa loob dahil salamin naman po ang harang." sagot niya. Tumango-tango ako sa kaniya.
Pupuntahan ko nalang.
Maya-maya ay tumayo ako at saka nagpaalam na hahanapin ko si Priam. Sinabi ko rin na kapag bumalik si Engineer Gigi ay sabihan nilang babalik din ako.
Nababangga ako ng mga taong ganadong sumayaw sa dancefloor. May isa pang nakabangga sa akin kaya agad akong napa-atras at muntikan nang matumba, buti nalang at may naka-salo sa akin at nakapitan ang likod ko!
![](https://img.wattpad.com/cover/223812166-288-k361881.jpg)
BINABASA MO ANG
Remembering Sunshine (La Castellana Series 1)
RomanceLa Castellana Series 1 (On-Going) See how Adahlianna Fuentes will conquer all the confusion and frustration she got after being involved in an accident that resulted her to forget a lot of important things... and that includes her only love and happ...