"Priam is the real playboy in our group back when we were in college! Wag kang magpapaloko sa pagiging tahimik n'yan Adah!" natatawang sabi ni Mar. Agad na humagalpak ng tawa sila Dallas sabay dagdag pa ng asar para kay Priam.
"Talaga?" tunog interesado kong tanong kahit na alam ko namang hindi kagulat-gulat kung totoo man na babaero si Priam noon.
He's got the looks and a body to die for kaya hindi siya mahihiya! He can surely captivate anyone without exerting any efforts.
Priam grunted beside me kaya mabilis ko s'yang nilingon. Kunot na kunot ang kaniyang noo kaya napahagikhik ako. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Naiiling kong ibinalik ang tingin ko sa mga kaibigan niya.
I felt him placed his head on my left shoulder pero hindi ko na 'yon pinagtuunan ng pansin.
"That's his charm, ang pagiging tahimik! Dami tuloy nalilinlang!" dagdag pa ni Cj saka nakipag-apiran sa katabing si Floyd.
The boys continued with their talkings at si Dallas naman ngayon ang inaasar at pinagdidiskitahan. Bumaba ang tingin ko sa lamesa at nakitang ilang bote na rin pala ang naubos nila. Puro hard liquor pa naman!
Nadaanan ko ng tingin si Kyla na panay ang salin ng alak sa baso niya. Ang katabi naman niyang si Tala ay panay ang tingin sa amin ng katabi ko.
"Don't listen to them. I'm a good boy back then..." mahinang bulong ni Priam dahilan upang ma-ibalik ko ang tingin sa kaniya. "Wait, I still am." dagdag niya pa.
Medyo namumula na ang pisngi niya, marahil ay madami-dami na rin ang alak na nainom Ang iilang hibla ng kaniyang medyo may kahabaang buhok ay bahagyang tumatabon sa kaniyang mga mata.
I smirked at him as I try to comb his hair and placing it back on the side of his forehead. Nangingiti ako habang pinagmamasdan niya ako sa aking ginagawa.
Nang matapos ay ibinalik ko ang atensyon sa mga kaibigan niya. Umuwang ang labi ko nang makitang bagsak na at kaniya-kaniya nang sandal sa mga misis nila ang tatlo habang si Dallas naman ay naka-tungo ang ulo sa lamesa.
Lasing na?
Liz smiled at me habang pilit na ginigising ang kaniyang mister na nakahiga sa kandungan niya.
Maya-maya lang ay nagpaalam na sila nila Gia habang maingat na inaalalayan ang mga mister nila.
Si Kyla at Tala ay nanatili sa mga pwesto nila. Si Dallas naman ay medyo naginhawaan at unti-unting nakakabawi mula sa pagkakalasing.
"Uuwi na kayo?" Tanong niya habang nag-iinat ng katawan.
Tumango ako at ibinalik ang tingin kay Priam na patuloy pa rin na naka-sandal sa balikat ko.
I covered my mouth when I yawned. Napatingin ako sa relo kong suot at hindi na nagtaka sa nararamdamang antok nang makitang ala-una na pala ng madaling araw.
Naibalik ko ang tingin sa harap nang marinig kong magsalita si Tala.
"Uh, we decided na dito nalang kami matutulog. Okay lang naman siguro diba?" Tanong niya sabay makahulugang sinulyapan si Kyla na nanatili sa pagkakaupo habang nagsasalin parin ng alak sa baso niya.
Dallas just shrugged at agad na tumango dahilan upang mahinang mapatili si Tala. Ngiting-ngiti ito habang bumabalik sa pwesto niya.
"Kayo Adah? You should sleep here, tatlo ang guestroom dito, you can use the other one habang ang isa ay gagamitin nila." Wika ni Dallas at saka nginuso ang dalawa.
Nag-aalangan kong nilingon si Priam sa tabi ko.
I can drive naman at pwede ko siyang ihatid sa penthouse niya, pwede din naman na sa condo ko nalang kaming matulog dalawa.
BINABASA MO ANG
Remembering Sunshine (La Castellana Series 1)
RomanceLa Castellana Series 1 (On-Going) See how Adahlianna Fuentes will conquer all the confusion and frustration she got after being involved in an accident that resulted her to forget a lot of important things... and that includes her only love and happ...