Kabanata 1

201 39 3
                                    

Kinabukasan ay tinanghale na ako ng gising. Medyo hindi naging maganda ang tulog ko kaya naman pumipikit-pikit pa nang lumabas ako ng kwarto.

Hindi pa man naghihilamos ay tinahak ko na ang hagdan pababa. Dumiretso ako sa kusina at naabutan si Manang Flor, isa sa mga pinagkakatiwalaang kasambahay ng pamilya ko, na masyadong okupado sa niluluto atang ulam.

"Good morning Manang!" Maligayang bati ko. Nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin ang matanda.

"Diyos ko! Panginoon! Ano ba naman 'yan Adah at hindi ka man lang naghilamos!" Wika niya kaya naman tumawa ako. Naiiling akong pumunta sa banyo at saka doon na nagpasyang maghilamos.

Miski ako ay nagulat sa sarili ko. Sabog ang aking buhok at may muta pa ang magkabilaang mata! Natawa ako para sa aking sarili.

Nang masigurong kaaya-aya na ang hitsura ay lumabas ako at muling bumalik sa kusina.

Naupo ako habang pinapanood si Manang na ngayon ay sinasalinan ako ng kape. Nagpasalamat ako pagkatapos at saka nagsimulang kumain.

"Nga pala, umalis ang iyong Mama at Papa kasama si Federico at Leticia. Pupuntahan ata ang ilan sa mga negosyo n'yo." Sabi ni Manang kaya naman napatigil ako sa pagnguya.

Umalis sila?

"Si Priam po?" Tanong ko. Umiling si Manang Flor bago nagsalita.

"Hindi ko pa nakikita ang señorito, siguro ay tulog pa iyon."

Hindi pa rin pala siya bumabangon?

Babalik na sana ako sa pagkagat ng hotdog nang biglang pumasok si Priam at bumati kay Manang.

"Magandang umaga po." Magalang na wika n'ya. Ngumiti si Manang Flor at bumati pabalik saka sinabihan si Priam na mag-almusal na.

Naupo si Priam sa kaharap na upuan ko. Umayos ako ng upo at saka pumormal sa pag-kain.

"Morning." Tipid n'yang bati sa akin kaya ngumiti lamang ako.

Tahimik kaming kumain ng almusal at ilang beses ko s'yang tiningnan. Umangat ang tingin n'ya sa akin kaya naman iniwas ko ang tingin ko.

"Tita Deliah told me that you'll tour me around." Bumalik ang tingin ko sa kanya nang magsalita siya.

"Ha? She did?" Naguguluhan kong tanong. Bakit hindi ko alam?!

"You don't want to do it?" Tanong niya pabalik kaya naman napamaang ako.

"H-hindi naman sa ganon."

"It's okay if you don't want."

"No! It's fine. Wala din naman akong ginagawa!" Agap ko. Tumango siya at medyo umangat ang gilid ng labi. Nagtataka man ay hindi ko na pinuna.

Pagkatapos mag-almusal ay parehas kaming umakyat sa sari-sarili naming mga silid. Naligo ako at nagbihis. Isang puting bestida ang napili kong suotin para sa araw na ito. Hindi naman masyadong mainit kaya okay lang na ganoon ang suot ko. Nagdala din ako ng sliding bag para sa mga gamit ko.

Bumaba ako at nakitang nasa sala na si Priam at naghihintay. Tumayo siya at pasimpleng tinignan ang suot ko. Ngumiti ako sa kanya bago siya inaya na lumabas na.

"Saan mo ba gustong unang pumunta?" Tanong ko. Tumigil ako sa paglalakad at saka siya hinarap.

"I don't know." Tipid n'ya nanamang sagot. Napabuga ako ng marahas na hangin. Sobrang tipid n'ya talagang magsalita!

Nag-isip ako ng lugar na magugustuhan n'ya na meron kami. Manggahan? Sakahan? Tubuhan? Sa mga baka't kalabaw kaya?

Napailing ako sa huling naisip. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng puting t-shirt at saka khaki shorts. Iniwas ko ang tingin ko.

Remembering Sunshine (La Castellana Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon