"Anong sa atin Engineer?" Tanong ko kay Gigi para maagaw atensyon niya mula sa nang-aasar nanaman na si Ynoe.
Ngumiti siya sa akin at saka itinaas ang kapit na folder.
"Ibibigay ko lang sana 'to." Wika niya. Ngumiti ako at inilahad sa kanya ang upuan.
"Pupunta ako sa site bukas para matingnan kung hanggang saan na ba ang nasimulan nila." Wika ni Engineer Gigi saka inabot sa akin ang folder na naglalaman ng iba pang detalye para sa proyektong kasalukuyang ginagawa.
Tumango ako at saka tinanggap 'yon. Balak kong basahin iyon mamayang gabi para mapag-aralan kong mabuti. Medyo maikli lamang ang panahong ibinigay sa akin kaya naman kinakailangan kong magmadali.
Lumipat ang tingin ni Engineer Gigi kila Priam nang mag-ingay nanaman si Ynoe.
"You're cheating! Kanina ka pa nananalo!" Parang batang reklamo nito kay Priam.
Napangiti ako nang umiling lamang si Priam at hindi pinatulan ang pagrereklamo ni Ynoe. Bumalik ang tingin ko kay Engineer Gigi nang mag-salita ito.
"Ito lang talaga ang sadya ko. May aasikasuhin din ako ngayon e." Wika niya.
Tiningnan ko ang kaniyang kabuuan at napansing parang kakaiba ang hitsura niya. Ang maikli niyang buhok ay medyo curly ngayon, hindi katulad noong mga nakaraang araw na natural na straight lang. Iba rin ang porma niya ngayon dahil naka itim na fitted dress siya na tenernohan lamang ng kulay kremang coat, taliwas sa madalas n'yang sinusuot na puro mga pang-business attire talaga.
"Parang mas lalo kang gumanda ngayon Engineer ah? May date ka 'no?" Malakas kong wika. Bahagyang siyang ngumuso bago umiling.
"Wala. May appointment lang." Nahihiya n'yang sagot kaya tumawa ako. Magsasalita pa sana ako nang biglang sumingit si Ynoe.
"Saan ang lakad mo tomboy?" Kunot-noo nitong tanong kay Engineer Gigi. Umirap lamang ito sa kanya at saka ibinalik sa akin ang tingin.
"Una na ako Adah. Salamat." Tumango ako at sabay kaming tumayo para maihatid ko siya palabas ng opisina ko.
Napa-singhap ako nang biglang inakbayan ni Ynoe si Engineer Gigi. Si Priam naman ay tumabi na ngayon sa gilid ko.
"Hatid na kita tomboy!" Wika ni Ynoe. Aangal pa sana si Engineer Gigi pero kinaladkad na siya ni Ynoe papalabas.
Sabay kaming nagkatinginan ni Priam at parehong nagkibit-balikat na lamang, hindi na binigyan ng kahulugan kung ano ang nasaksihan.
Knowing Ynoe, he really loves irritating people.
"Wala kang meeting ngayon?" Tanong ko sa kaniya.
Kanina pa siya nandito sa opisina ko 'no! Baka mamaya ay hinahanap na pala siya.
"Wala but I have one later." Tipid n'yang sagot. Tumango-tango ako.
Kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa table at saka siya nilingon.
"Let's eat." Wika ko at mabilis siyang tumango.
Sabay kaming lumabas ng opisina ko. Nakita ko pang medyo nagulat si Tina kaya naman ngumiti ako sa kaniya. Ngumiti ito pabalik. Sinabihan ko rin siya na mung sakaling may mag-hanap sa akin ay siya na ang bahalang kumausap at babalik din naman ako.
Kotse ni Priam ang ginamit namin. Nag-hanap lang kami ng pinaka-malapit na restaurant dahil mag a-ala una na nang hapon at alas-dos ang meeting ni Priam.
We ordered the fastest food to be served para hindi sayang ang oras. Nang dumating ang pagkain ay sinabayan din namin ng kwentuhan.
We talked about the on-going project of the company and nai-kwento ko rin sa kaniya kung bakit nasa opisina si Ynoe kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/223812166-288-k361881.jpg)
BINABASA MO ANG
Remembering Sunshine (La Castellana Series 1)
RomanceLa Castellana Series 1 (On-Going) See how Adahlianna Fuentes will conquer all the confusion and frustration she got after being involved in an accident that resulted her to forget a lot of important things... and that includes her only love and happ...