"Text me when you get home, okay?" Paalala ko ulit at saka mahigpit siyang niyakap.
He spent his whole weekend here with me and I am going to see him at the office tomorrow pero parang ilang taon kaming hindi magkikita sa inaakto ko ngayon!
Ngayon ka lang kasi nagkaroon ng official boyfriend kaya ka nagkakaganyan!
Ngumuso ako nang makitang nakangisi si Priam. Hinaplos niya ang kaliwang pisngi ko bago ako hinalikan sa noo dahilan upang mapapikit ako. I smiled.
Being with him for almost two days is just so amazing na pakiramdam ko ay parang kilalang-kilala ko na siya.
He's so sweet and he really loves tight and warm hugs! Kada minuto na wala kaming ginagawa ay palagi siyang nakayakap sa akin. He cooked good food and he really made sure that I always eat on time.
Hindi ko inasahan na may ganitong side pala si Priam. Akala ko puro kaseryosohan lang ang alam niya pero it really surprised me na ma-experience first hand ang parte n'yang ito.
Nagtagal pa ng ilang minuto bago siya tuluyang umalis, kumaway ko ng isang beses pa siyang lumingon.
Nangingiti ako habang pumapasok sa unit ko. Priam and I ate our dinner earlier kaya busog na ako. I decided to take a shower first bago dumiretso sa kwarto para matulog.
Kasalukuyan akong pumipili ng susuotin ko nang marinig ko ang pag-tunog ng phone ko hudyat na may bagong mensahe na dumating. Inayos ko muna ang roba ko bago dinampot ang cellphone na nakapatong sa bed side table. Agad akong napangiti nang makitang si Priam 'yon at pilit na nilabanan ang malakas na tawa dahil sa emoji na ginamit niya. Mabilis akong nagtipa ng mensahe pabalik.
Pagkatapos magtipa ng mensahe sa kaniya ay nilapag ko ulit ang phone ko at saka nagmamadaling nagbihis. Ternong pajama ang napili kong suotin at pagbalik ko ay may mensahe na agad si Priam.
Nangingiti ako pagkatapos basahin ang huling message niya. Sa huli ay napagpasyahan kong hindi na mag-reply. Baka mamaya ay hindi nanaman matulog nang maaga si Priam!
BINABASA MO ANG
Remembering Sunshine (La Castellana Series 1)
RomanceLa Castellana Series 1 (On-Going) See how Adahlianna Fuentes will conquer all the confusion and frustration she got after being involved in an accident that resulted her to forget a lot of important things... and that includes her only love and happ...