Kabanata 27

28 3 0
                                    

"Adahlianna, a-anak... wake up, please..." my mom's voice echoed on my ears, I can hear her small sobs as I felt some slow and tender caress on my cheeks.

Sinubukan 'kong buksan ang mga mata ko, sa unang subok ay hirap ako. I can feel the tightness in between my lids, para bang sobrang tagal ko nang nakapikit. I tried again pero kagaya ng nauna ay hirap ako.

The darkness is suffocating me!

I tried to move one of my fingers, ramdam ko ang matinding pamamanhid ngunit hindi ko inintindi 'yon. I want to move! Inulit ko ulit 'yon at agad ko namang naramdaman ang mahinang pag-galaw ng hintuturong daliri ko.

"Oh my god! Her finger moved! She's awake!" I heard my mom's voice in her most histerical tone. "Doctor! Call a doctor... my daughter is finally awake!" narinig ko pang sabi niya at saka ko naramdaman ang mabilis na pag-haplos niya sa aking mukha.

"You're going to be fine anak... Trust me..." she whispered on my left ear.

Ilang segundo pa at iba't ibang boses na ang naririnig ko. I can hear my dad's begging voice from the background.

"Ms. Fuentes, can you hear me?" An unknown voice of a woman asked me. I tried to answer but before I could even open my mouth to speak, I immediately felt the extreme dryness on my throath.

"Use your finger to answer Ms. Fuentes. Again, Can you hear me iha?" She asked and I did moved my finger. May narinig akong iilang singhap mula sa paligid.

"Can you open your eyes Ms. Fuentes?" banayad muli nitong tanong, kahit na hirap kanina ay muli kong sinubukang buksan ang aking mga mata.

I slowly opened my eyes, the white-painted ceiling welcomed my vision. Pumikit ulit ako dahil sa medyo masakit na pag-tama ng liwanag na nanggaling mula sa kung saan.

"My Adah..." narinig kong wika ni Mama kaya mabilis akong nagmulat. Matinding takot ang agad na nasilayan ko sa kaniyang mga mata, I tried to smile at her. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya, and then I saw my dad, with tears on his eyes... marahan niya akong hinalikan sa aking noo.

"Thank goodness, you're finally awake." mahinang bulong niya sa akin. Gustuhin ko mang mag-tanong kung anong nangyari, hindi ko rin naman nagawa dahil sa nararamdamang matinding pagkatuyo ng lalamunan ko.

"W-Water..." I said, agad namang lumayo si Papa.

Ilang minuto lamang at tinutulungan na akong uminom ng isang nurse sa pag-inom ng tubig. Pagkatapos ay dahan-dahang in-adjust ang higaan ko.

I was silent the whole time. I'm in a blank state and I don't know why I am here. Ang alam ko lang ay masakit ang buong katawan ko na para akong binugbog ng paulit-ulit.

Buong araw na pabalik-balik ang mga doktor sa aking silid. My parents stayed with me for the entire day at hindi rin umalis nang sumapit na ang gabi.

"What happened to me mom?" I asked curiously.

She stopped folding all the blankets that they used last night at saka nag-aalangang dinapuan ng tingin ang aking ama'ng prenteng nakaupo sa sofa ng silid na ito. Nagtataka ko silang tiningnan nang mapansin ang makahulugan nilang tinginan na dalawa.

"Just rest, anak. Magpagaling ka muna. The doctor informed us na hindi makakabuti sa'yo ang mag-isip ng kung ano-ano." Papa answered me in a dismissive way kaya kahit na gustuhin ko mang magtanong pa ay hindi ko na ginawa.

I sighed as I felt the slight comfort from sitting, kahit na nakasandal ang buong katawan ko sa kama, I felt relieved dahil parang nakawala ako mula sa mahabang panahon ng pagkakahiga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Remembering Sunshine (La Castellana Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon