Kahit namamaga pa ang mga mata dahil sa mahabang oras na pag-iyak, pinilit ko pa din na maagang bumangon kinabukasan.
Priam and his parents will be leaving today. Kahit naman na ganoon ang nangyari kahapon ay kailangan ko pa din sumama na ihatid sila. I don't want to be rude, naging mabuti sa akin si Tita Leticia at Tito Federico, ganoon din naman si Priam kaya dapat lang na hindi ako masyadong magdamdam sa nangyare.
Alas-kwatro pa lang ng madaling araw ay gising na ako. Tahimik akong lumabas ng aking silid at saglit na sinulyapan ang kwarto ni Priam.
At the end of the day, that room will be empty. I bitterly smiled.
Dahan-dahan ang bawat hakbang ko pababa ng hagdan. Hindi naman masyadong madilim dahil may iilang ilaw na nakabukas.
Nang makababa ay tumungo ako sa kusina. Binuksan ko ang ref para makakuha ng yelo.
Sumandal ako sa sink habang dahan-dahang dinadampian ng yelo ang mga mata ko. Ramdam ko ang hapdi sa bawat pagdampi ko.
Napalingon ako nang bumukas ang pinto mula sa likod at lumitaw doon si Manang Flor na katulad ko ay nakapang-tulog na damit pa din.
Nagtataka niya akong nilapitan, siguro ay dahil nakita niyang nagpapahid ako ng yelo at maagang-maaga pa.
"Anong nangyare sayo Adah?" Bakas ang pag-aalala sa boses niya kaya naman malawak akong ngumiti sa kanya.
"Wala naman po. Medyo masakit lang ang mga mata ko manang." Palusot ko pero mas lalo lamang akong kinunotan ng noo ng matanda.
"Umiyak ka ba?"
"Po? Hindi po!"
Umismid siya at saka naglakad papunta sa lalagyan ng mga kawali at kaldero. Nanatili ako sa posisyon ko habang pinapanood siya.
"Buong araw kang hindi lumabas ng iyong silid. Noong sinabi mo kay Senyora Deliah na masama ang iyong pakiramdam ay hindi agad ako naniwala." ngumuso ako sa sinabi ni Manang na ngayon naman ay nagpapainit na ng mantika sa kawali. Siguro ay magluluto na para sa umagahan.
"Noong hapon ay pinapunta ng iyong ina si Señorito sa iyong silid. Hindi ko alam kung anong nangyare dahil pagsapit ng gabi ay parehas na kayong hindi lumabas mula sa inyong kanya-kanyang silid!" Bulalas niya.
Nagulat ako sa sinabi ni Manang Flor. Yumuko ako at bahagyang nakaramdam ng hiya. Ibinalik ko ang tingin sa matanda na ngayon ay umiiling-iling.
"Kayong dalawa, kung ano man ang problemang namamagitan sa inyo, dapat ay inayos niyo na kaagad! Hindi ganitong kung kailan aalis na ang isa ay hindi parin nagkakaintindihan."
Nakinig lamang ako sa pangangaral sa akin ni manang. Ako talaga ang may kasalanan. Ginulo ko lang lalo ang utak ni Priam!
Marami pang sinabi ang matanda pero hindi na ako umimik. Nagpaalam ako na babalik na muna ako sa kwarto upang makaligo.
Nang matapos at makapagbihis ay agad ko nang tinahak ang hagdan pababa.
Papalapit pa lamang ako ay dinig ko na ang tawanan mula sa dining area. Agad na tumayo si Mama para salubungin ako, malawak ang ngiti sa kanyang labi.
"You look gorgeous anak!" Puri niya habang tinitingnan ang suot kong bestida kaya naman agad akong napailing.
"Buti naman at nag-ayos ka ngayon." Dagdag niya pa. Tumawa lang ako at saka binalingan ang mga taong naiwang nakaupo habang nasa hapag.
"Good morning po." Bati ko na agad namang tinugunan ni Tita Leticia ng isang matamis na ngiti. Bumati naman pabalik si Tito Federico.
Humalik ako sa pisngi ng aking ama bago naupo. Saglit kong sinulyapan si Priam sa harap ko na ang mga mata ay nanatiling nakatingin sa akin. Ngumiti ako bago itinuon ang atensyon sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Remembering Sunshine (La Castellana Series 1)
RomanceLa Castellana Series 1 (On-Going) See how Adahlianna Fuentes will conquer all the confusion and frustration she got after being involved in an accident that resulted her to forget a lot of important things... and that includes her only love and happ...