"Hindi mo pa ba ako bibitawan?" Marahang tanong ko kay Priam. Ilang minuto na pero nakayakap pa rin siya sa akin.
Mahina siyang tumawa at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap niya, napa-nguso ako.
"Diba mag-uusap pa tayo?" Paalala ko sa kanya.
"We can talk while I am hugging you." Wika niya kaya naman agad kong naramdaman ang unti-unting pag-akyat ng init sa buong mukha ko. Kinurot ko siya sa likod niya pero hindi man lang siya umaray!
"Nangangalay na ko." Reklamo ko kahit na hindi naman talaga. Mabilis niyang niluwagan ang yakap niya sa akin at agad na tiningnan ang mukha ko.
Malawak akong ngumiti sa kanya, kita ko rin ang pigil niyang ngiti kaya naman humalakhak ako.
Pabebe si Priamero!
"Mag-uusap na tayo?" Tanong ko at agad siyang tumango.
Kapit ang kaliwang braso ko, lumabas kami ni Priam sa kusina at agad na tumungo sa sala ng Penthouse niya.
Sabay kaming naupo sa kulay itim niyang couch. Tumikhim ako para maagaw ang atensyon niya.
"About what happened earlier..." simula ko. Agad na tumaas ang kilay niya kaya maman napa-yuko ako.
Hobby niya na ba ang pagtaasan ako ng kilay?
"Yes. About that?" napalunok ako sa tono ng boses niya.
"I was just... you know, curious about how you and Ynoe met each other." Nahihiya kong sabi.
Halos limang taon kong nakasama si Ynoe at alam na alam niya ang tungkol kay Priam, kaya gulat na gulat ako nang malamang magkakilala pala sila.
"I was asking him for an explanation but he just couldn't be serious yesterday!" Dagdag ko pa. Tumaas ang sulok ng labi ni Priam habang nakikinig.
"And?"
"And I was so pissed that I ended up... strangling him." Humina ang boses ko sa dalawang huling salitang binanggit.
Nakakahiya!
Ngayon lang pumasok sa isip ko na mukha kaming manok ni Ynoe na parang nasa sabong kanina sa opisina ko!
Hindi nagsalita si Priam at seryoso lang akong pinagmamasdan. Napa-yuko ako.
Am I not attractive in his eyes already dahil lang sa naabutan niya ako na ganoon?
But he said that he likes me!
Gusto niya ba ng mahinhin na babae? Mahinhin naman ako a!
"Why are so curious about that?"
"Huh?"
"About how Ynoe met me."
Saglit akong tumahimik. Should I tell him na alam ni Ynoe na gusto ko parin siya hanggang ngayon? That I waited for him kahit na wala naman siyang sinabi na kailangan ko siyang hintayin?
"W-well... I was just curious." Nahihirapan ako sa pagsagot sa tanong niya.
Damn! I want to be safe! Nakakahiya!
"It's not important. I like you and you like me. That's what truly matters." Mayabang na sabi niya kaya naman tumawa ako.
Hindi niya pa nga alam kung gusto ko parin siya ngayon e!
"How can you say that I still like you?" Natatawa kong tanong.
"You hugged me back." He confidently said kaya mas lalo akong tumawa.
"That's not enough!" Reklamo ko.
"And your heart beats the same time with mine." Saglit akong natigilan at natulala sa sinabi niya kaya maloko siyang ngumiti.
BINABASA MO ANG
Remembering Sunshine (La Castellana Series 1)
RomanceLa Castellana Series 1 (On-Going) See how Adahlianna Fuentes will conquer all the confusion and frustration she got after being involved in an accident that resulted her to forget a lot of important things... and that includes her only love and happ...