Kabanata 19

63 21 0
                                    

"Oh my gosh! Successful ang project!" Masayang anunsyo ni Patty pagkapasok niya sa opisina ko. Agad akong ngumiti sa kaniya at saka binalingan ng tingin si Tina at ang iba pang myembro ng aming team.

The Major Project that is under the A&S Holdings Inc. is successful. Sampung buwan ang ibinigay para matapos ang construction at ma-fully furnished ang mga bagong tayong bahay. Thankfully, na-market namin 'yon ng maayos and it only took 2 days para mabili ang lahat ng 'yon!

We created a video presentation na nagpapakita kung kailan sinimulan ang project, pati yung buong proseso at kagaya nga ng planong napag-usapan namin ni Engineer Gigi, we included the purpose of the said project.

Nag-send din kami ng email para sa mga taong posibleng magkaroon ng interes sa nasabing proyekto.

Pumalakpak ako at isa-isang nilapitan at kinamayan ang bawat kasapi ng team ko. These employees are really dedicated when it comes to their jobs, kahit na halos abutin kami ng madaling araw dahil sa dami ng kailangang gawin ay hindi talaga sila nag-reklamo!

Malawak akong ngumiti sa kanila. Since the hectic schedule is done, these people deserves to have a good time!

"Who's free for tonight at saan n'yo gustong pumunta? Sagot ko!" Anunsyo ko kaya naman naghiyawan sila.

Saglit silang nag usap-usap at sa huli ay napag-pasyahan na we'll go out tonight at pupunta sa isang sikat na bar. Tumango ako at sinabing doon na lamang mismo sa nasabing pupuntahan kami magkikita-kita. Masaya silang nag-paalam sa akin para bumalik sa kani-kanilang pwesto.

Nangingiti pa rin ako habang umuupo sa swivel chair ko. I'm planning to text Priam para sabihin sa kaniyang hindi na niya ako kailangang sunduin mamaya. Dahil nga successful ang project, I am sure na may plano rin sila mamaya nila Ynoe kasama ng iba pang mga nasa higher positions.

Kukunin ko palang ang phone ko nang biglang bumukas muli ang pinto ng opisina ko. Nag-angat ako ng tingin at nakitang si Engineer Gigi 'yon at may naka-paskil na maliit na ngiti sa kaniyang labi. Itinuro ko agad sa kaniya ang visitor's chair ng opisina ko at iminwestro na maupo siya.

"Congratulations Engineer!" Wika ko at agad siyang nginitian. Ngumiti siya sa akin pero napansin ko ang lungkot mula doon. Napa-ayos ako ng upo.

"Bakit ang lungkot mo? Successful ang project ah?" Nagtataka kong tanong. Bumuntong hininga siya at saka diretso akong tiningnan sa mata.

"Last day ko na dito e." Wika niya.

"H-huh?"

"Last day ko na dito sa IPM. Nag-file ako ng resignation noong nalaman kong successful ang project." sagot niya.

Napawi ang ngiti ko at napakunot ng noo.

Bakit siya aalis?

Successful ang project!

"M-May kinalaman ba si Ynoe dito? Tatawagan ko siya!" wika ko at saka inabot ang cellphone ko na naka-patong sa table.

Baka may kung ano nanamang ginawa ang Santillan na 'yon!

Mabilis kong hinanap ang pangalan ni Ynoe at pipindutin na sana 'yon para matawagan siya nang marinig ko ang mahinang pag-tawa ni Engineer Gigi. Umangat ang tingin ko sa kaniya at saka naguguluhan siyang tiningnan.

Tumikhim siya at saka hinawi ang iilang hibla ng kaniyang medyo mahaba ng buhok na tumabon sa kaniyang magandang mukha. Ngumiti siya sa akin bago nagsalita.

"Wala namang ginawa si Ynoe, matagal ko na talagang plano 'to at  uuwi na kasi ako sa La Castellana." wika niya.

"P-Pero pwede ka namang magtrabaho dito habang nasa La Castellana ka!" Giit ko.

Remembering Sunshine (La Castellana Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon