Kabanata 8

110 21 2
                                    

Kinabukasan ay maaga akong pumasok para sa trabaho.

Kauupo ko pa lang sa swivel chair ko nang biglang pumasok si Tina at may bitbit na folder.

Bumati siya sa akin kaya naman ngumiti ako at saka tinanong kung ano ang kailangan niya.

Nilapag niya ang folder sa table ko kaya naman kinuha ko 'yon.

"Sa'n galing 'to?" Tanong ko.

"Sa engineering department po." Nagtataka kong binuklat ang laman ng folder.

Teka! Ito yung project na na-present kahapon! Binalingan ko si Tina na ngayon ay naglapag naman ng flashdrive.

"D'yan po nakalagay yung buong details about sa project Ms. Adah." Wika niya na lalong nagpa-gulo sa akin.

Gagawin ko na ba to ngayon?

"Sino ang naghatid sa'yo ng mga 'to?" Tanong ko.

"Si Engineer Lopez po." Banggit niya sa apelyido na medyo pamilyar sa akin.

Tumango ako. Nagpaalam si Tina kaya naiwan ulit akong mag-isa sa opisina ko.

Inabot ko ang flashdrive at saka isinaksak ko laptop para ma-check yung buong detalye ng project na gagawin.

Kung ibinigay na sa'kin, ibig sabihin ay approved na 'to kaya naman kailangan na agad pagplanuhan ang gagawing promotion.

IPM is an engineering corporation which is under the A&S Holdings Inc.
Ynoe's grandfather is the founder and the owner of A&S, while IPM together with the other company is being managed by his father, Mr. Roberto Santillan.

Ynoe is the future CEO of A&S kaya naman mataas ang expectation ng mga nakararami sa kanya. Ynoe's really smart and ruthless when it comes to business pero minsan ay nakakalimutan ko 'yon dahil sa mga kademonyohan niya.

Kung bakit ako napunta sa IPM Engineering Corporation kahit na hindi naman ako engineer? it's a long story.

I have a degree in Business Administration and my dad is also a shareholder in A&S Holdings Inc.

Tito Roberto is so fond of me kaya naman dito niya ako pinilit na magtrabaho noon kahit na ayaw ko. He even planned to put me in a much higher position pero tinanggihan ko at mas pinili na maging Marketing Manager. Since may negosyo din kami, may background na ako sa kung paano ang tamang promotion and marketing.

Ngayong nabili na ni Priam ang almost 50 percent shares sa IPM, hindi ko alam kung may magbabago ba o wala.

Kailan pa kaya siya naging businessman?

Saktong alas-dose nang pumunta sila Dreammie sa opisina ko at inaya akong kumain. Bumaba kami sa cafeteria at nang maka-order ng pagkain ay saka kami naghanap ng pwesto, sa bandang dulo kami umupo.

"Anong nangyare kahapon sa meeting?" Tanong agad ni Patty pagkaupo namin.

"Nag-present lang ng project." Tipid kong sagot sabay subo ng kanin.

"Yun lang?" Si Dreammie 'yon. Tumango ako. Her big round eyes stared at me suspiciously na parang may kulang sa sagot ko.

I sighed in defeat bago ikinwento sa kanila ang buong nangyari and that includes Priam.

"Grabe? Masama ang tingin sa'yo?" Gulat na tanong ni Dreammie pagkatapos kong magkwento. Tumango ako.

"Baka naman nagseselos! Kasi diba? Niyakap ka ni sir Ynoe?"

Ngumuso ako at bahagyang kumunot ang noo. Selos? Si Priam magse-selos? Imposible!

Baka nga may girlfriend na 'yon ngayon kaya inabot ng limang taon bago nakauwi.

Remembering Sunshine (La Castellana Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon