Kabanata 10

92 21 3
                                    

"Ynoe and I were ju-" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay agad na akong kinapitan ni Priam sa braso at agad na kinaladkad palabas ng opisina ko.

Nilingon ko pa si Ynoe at nakitang malawak ang ngisi niya. Napatayo si Tina at nanlalaki ang mga mata habang nanonood sa amin.

"Where are you taking me?" Naguguluhang tanong ko kay Priam pero hindi niya ako sinagot at dire-diretso lang sa paglalakad.

May ilang empleyado ang napapatingin kapag nadadaanan namin kaya naman yumuko ako.

Oh. My. God.

Bumukas ang elevator at bumungad sa amin ang limang empleyado na halos hindi magkanda-ugaga sa pag-gilid.

Oo nga pala! Shareholder nga pala 'tong kasama ko.

Pumasok kami at hindi niya binitawan ang braso ko. Alanganin akong ngumiti kapag napapatingin sa amin yung ibang sakay. Nakita ko pang pumipindot si Priam sa cellphone niya.

Nang bumukas ang elevator ay agad siyang lumabas at habang kapit-kapit pa din ako.

Madaming tao sa lobby kaya naman mas lalo kaming pinagtinginan. Lumabas kami at agad na huminto ang isang Lamborghini Aventador sa harapan namin.

That's the latest model!

Nagmamadaling lumabas ang valet attendant at inilahad kay Priam ang susi. Binuksan niya ang pinto at saka ako nilingon.

"Sakay." Masungit na wika niya.

Kumunot ang noo ko.

"Yung mga gamit ko! Saka may kotse ako!" Wala akong bitbit kahit isa!

Mas lalong sumama ang tingin niya sa'kin kaya ngumuso ako. Tinaasan niya ako ng kilay kaya wala na akong nagawa at sumunod sa sinabi niya. Mabilis niyang sinarado ang pinto ng sasakyan nang makapasok ako at agad na umikot para maka-sakay.

"Seatbelt." Wika niya kaya naman kinabit ko ang seatbelt ko.

"Sa'n mo ba ako dadalhin ha?" Tanong ko nang magsimula na siyang magmameho.

Sa halip na sagutin ang tanong ko ay itinuon niya lang ang atensyon sa daan. Natahimik ako.

It's my first time to see him drive a car. Back when we were in La Castellana, ako palagi ang nagmamaneho ng sasakyan.

Hindi ko maiwasang purihin ang hitsura niya ngayon.

Just by holding the steering wheel, para siyang model ng Lamborghini Aventador na 'to!

Saglit niya akong nilingon at nang makitang titig na titig ako sa kanya ay suplado n'yang ibinalik ang tingin sa daan. Napa-nguso ako.

Limang taon na ang lumipas, suplado ka pa rin.

Limang taon na Priamero pero gusto pa rin kita!

I hopelessly leaned my back on the passengers seat.

Isn't this awkward to him? I told him that I like him five years ago at isang malupit na 'I'm sorry' lang ang narinig  ko mula sa kaniya.

Why would he be awkward Adah? He's probably so used to this! Sa tingin mo ba ay hindi pa nakakatanggap ng confession 'yang si Priamero?!

And that was five years ago! I clearly told him that I'll eventually forget him.

Pero hindi mo siya nakalimutan diba?

Huminga ako ng malalim dahil sa pagtatalong nagaganap sa isip ko at pumikit.

Maya-maya lang ay naramdaman kong bumagal ang takbo ng sasakyan. Iminulat ko ang mga mata ko at nakitang papasok na kami sa parking lot ng isang sikat na condominium.

Remembering Sunshine (La Castellana Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon