Kabanata 7

117 22 4
                                    

Tahimik lamang ako habang nakikinig sa babaeng presentor ng engineering department.

Pamilyar sa akin ang kanyang mukha at pakiwari ko'y nakita ko na siya noon.

Tumatango ako kapag nagugustuhan ang mga sinasabi niya, ganoon din naman ang ilan sa mga board of directors na minsan ay pumapalakpak pa kapag binabanggit ng presentor ang mga strenght ng project na gagawin nila.

Nagpasalamat ito pagkatapos ng presentation niya. Pumalakpak ang mga nakinig kaya naman ganoon din ang ginawa ko.

Nakita kong bumaling sa akin yung babaeng nag-present kaya naman ngumiti ako. Yumuko ito at parang nahihiya. Ang kanyang maikling buhok ay medyo tumabon sa kanyang mukha.

Nagtataka man kung bakit ganoon ang naging akto niya ay hindi ko na lamang masyadong pinagtuunan ng pansin iyon.

Tumama ang tingin ko kay Priam na naka-sandal sa upuan niya. Tumaas ang kaliwang kilay niya nang makitang nakatingin ako.

Agad kong inilipat ang tingin sa matandang lalaking myembro din ng board nang magsalita ito.

"The project is good lalo na at under ito ng A&S Holdings Inc. I'm sure that there will be enough funds para matuloy ito. Tama ba Mr. Santillan?"

Lumipat ang tingin ko kay Ynoe na kasalukuyang pinaglalaruan ang ballpen na kapit niya. He tilted his head at saka binalingan yung babaeng nag-present kanina.

"Let's see. I am still not satisfied with the details." sagot niya sa tanong ng matanda. Nakita kong pasimpleng umirap ang babae.

What's with this idiot?!

Ang ganda nga nung presentation kanina!

Tumikhim ang matandang nagtanong. Akala ko ay mananahimik na ito ngunit si Priam naman ang pinansin niya.

"How about you Mr. Zorilla? Do you have any concerns?"

Umayos ako ng upo. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.

"If the project will be approved, I'd like to know kung paano ang promotion na gagawin ng company." Sagot niya habang nakatingin sa bote ng mineral water na nasa tapat niya.

Napapikit ako sa narinig.

Sinasabi ko na nga ba!

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ynoe kaya naman masama ko itong tiningnan.

Bumaling sa akin ang iba pang myembro ng board, ako ang naka-assign don!

Priam didn't look at my direction. Nanatili ang tingin niya sa bote ng tubig.

Tumikhim ako bago nagsalita.

"We already gathered a lot of ideas and strategies para sa promotion ng nasabing project. Just like the ones that we've done before, I'm sure alam naman ng lahat na naging successful kami sa pagpo-promote ng mga proyekto ng kompanya." Paliwanag ko. Nakita ko namang sumang-ayon ang mga matatanda kaya medyo nabawasan ang kabang nararamdaman ko.

Priam on the other hand just raised his left brow at me na para bang hindi nakuntento sa sagot ko.

"I would like to hear a specific answer Miss Fuentes." Masungit na sabi niya.

This fucking brute!

I gritted my teeth at saka malalim na huminga para mapahaba pa ang napuputol na pasensya.

"We'll determine our target clients to make sure na talagang pasok sa panlasa nila ang proyektong gagawin. Since blogging is already a trend, it will be a good booster for the leads and conversions. We already have a lot of kinds of marketing pero it will be more powerful if we'll use the email marketing..." huminto muna ako saglit para huminga. Kita kong tutok na tutok ang mga buong myembro ng board kaya naman nagpatuloy ako.

Remembering Sunshine (La Castellana Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon