Ako'y nalulong sa paglagok ng kaydaming lason
Kemikal nito'y pumapatay sa aking emosyon
Kaya't dina maipinta aking ekspresyon
Tila ba'y ito'y may galit sa panahon.Araw-araw aking siyang ginagawa
Para bang sa bawat minutong lumilipas,
Ito'y aking ikinagiginhawa
Ngunit minsa'y kirot'y kumakaripas.Hanggang sa diko namamalayan
Ang lasong ito'y nag-iiba
Kung kaya't ito'y parang nabasbasan
Kalauna'y nagiging sandata
At kayang makapanghilom ng mga nasasaktan.Kaya nitong patibukin muli ang puso
Na kay tagal nang nakagapos sa pagkadisgrasiya
Bagkus ang lasong ito'y kakaiba
Di ordinaryo pagkat misteryoso.Ikaw, hindi kaba kumbinsido?
Lahat ng bagay na akala mo'y negatibo
Siyang hihilom sa pusong naagrabyado
At makatutulong upang puso'y muling mabuo.
YOU ARE READING
Pasilip na mga Pahina (Poems)
PoetryMga pahinang maaaring makapanakit Tanging nais pagkakamali'y dina mauulit At mga pahinang magsisilbing leksiyon Pag-asa't kasiyaha'y ninanais na maging pundasyon ~A book is only started by the author; it is completed by the reader.~ ◌Combination of...