◌Kanta◌

198 27 4
                                        

May mga araw
Kasiyaha'y di manlang umapaw.
Puro nalang kalungkutan
Buti nalang, may musikang masasandalan.

May mga pagkakataon
Ibang tao'y di sayo'y sumasang-ayon.
Kaya't walang ibang malapitan
Buti nalang, may musikang iyong takbuhan.

May mga araw na masaya ka
Ibang tao nama'y nagdurusa
Buti nalang may musika
Kayang sumabay sa kasiyahang iyong nadarama.

Himig kasi nito'y nakasisindak
Kayang buhayin diwa mong wasak.

Liriko nito'y nakapagtuturo
Tamang direksiyon iyon dapat ang itungo.

Huwag kalilimutan,
'Uni' 'Verse'=universe
May 'isang' 'kanta' dito sa mundo
Kantang naisulat para sa iyo,
At magtuturo ng kapalaran mo.

Pasilip na mga Pahina (Poems)Where stories live. Discover now