◌Hangganan/Border◌

208 26 2
                                        

Malinis na kuwadernong napalilibutan ng hangganan
Siyang tunay na simbolo ng pagmamahalan
Isa-isip mong ang papel ang kumakatawan
Pagmamahal na iaalay sa iyong kasintahan
Kalakip nito'y linyang hangganan
Datapwa't para sa iyong sariling kapakanan.

"Huwag lalahatin, ito lama'y aabusuhin
Huwag kukulangin, ito'y maglalahong parang hangin
Dapag sakto, para ito'y aabot hanggang dulo
Anupa't kasiyaha'y mapasasainyo"

Baka iyong nakalilimutan
Malinis na papel siyang magpapatibay
Relasyong may Diyos na kakikitaan
Magsisilbing matatag habang buhay.

Isang payo nga pala mula sa manunula
Huwag hahayaang ito'y madampuan
Buhangin man o mantsa yan
Nang kasiyaha'y patuloy na inyong matamasa.

Mabuhay para sa mga taong marunong magtira
Kapakanan sa sarili'y tila ba'y isang pag-asa
Kaya ikaw, maaari ka bang maging isa sa kanila?
Maaari ka bang tularan ng kapwa mo madla?

Pasilip na mga Pahina (Poems)Where stories live. Discover now