Ibang tao'y pinipiling mamatay
Upang wala ng problemang sa kanila'y maghihintay.Ibang tao nama'y pinipiling takasan ang reyalidad
Upang sa imahinasyon o panaginip, sila'y mapadpad.Ngunit ako? Hindi ko gagawin yan.
Naniniwala kasi akong 'kahit sa gabing madilim, may mga talang nagbibigay ng liwanag rin'Sa buhay natin
Normal lang na pagsubok, ating harapin.
Pero hindi ibig sabihin
Ito'y susukuan na natin.Normal lang na ika'y madapa
Pero wala kang pagpipilian bagkus tumayo
At sa sugat dapat ika'y huwag magpapaapekto
Kahit may bakas at nasasaktan kana.Normal lang rin na umiyak at malungkot
Pero hindi ibig sabihin na ika'y magpapalunod sakanila
Dapat umahon ka at ipakita mong ang luha't kalungkutan ang dahilan ng iyong katapangan.Kaya ikaw, lagi mong tatandaang Pagkatapos ng gabi,
May bukas na naghihintay dala-dala ang liwanag na di maikukubli.
YOU ARE READING
Pasilip na mga Pahina (Poems)
PoesíaMga pahinang maaaring makapanakit Tanging nais pagkakamali'y dina mauulit At mga pahinang magsisilbing leksiyon Pag-asa't kasiyaha'y ninanais na maging pundasyon ~A book is only started by the author; it is completed by the reader.~ ◌Combination of...