Kakaiba aking nararamdaman,
Pag siya'y nariyan.
Kakaiba aking pananalita,
Pag atensiyon niya'y aking nakukuha.
Kakaiba aking ikinikilos,
Pag kalungkutan sakanya'y nakagapos.
Kakaiba tibok ng aking puso,
Pag presensiya niya'y nasa harapan ko.
Kakaiba aking kasiyahan,
Pag ngiti niya'y aking nasisilayan.
Pagkat kaya niyang gisingin,
Aking natutulog na damdamin.
Kaya niyang bigyang kulay,
Araw kong dating matamlay.
Siya ang ginoong aking natitipuhan
Ngunit ito'y hindi niya alam
Pagkat alam kong di niya ako magugustuhan
Kaya wala akong balak ipaalam.
YOU ARE READING
Pasilip na mga Pahina (Poems)
PoetryMga pahinang maaaring makapanakit Tanging nais pagkakamali'y dina mauulit At mga pahinang magsisilbing leksiyon Pag-asa't kasiyaha'y ninanais na maging pundasyon ~A book is only started by the author; it is completed by the reader.~ ◌Combination of...
