◌Kaibigan Parin◌

121 16 0
                                    

Anong iyong mararamdaman
Taong iyong pinagkatiwalaan
At kailanma'y dimo siniraan
Siyang kakagat sayo ng harapan?

Kagat na may halong kamandag
Kung kaya't ito ay nakamamatay
Pagkat sa problema'y dumaragdag
Imbes na maging karamay sa buhay.

Ako nga'y naguguluhan
Siya ba'y akin nang kalilimutan?
O bibigyan pa ng pagkakataong magbago sa buhay?

Ngunit sa puso't isipan ko'y bumabalik
Mga ala-alang nakasasabik.
At mga panahong siya'y nariyan
Lalo na't pag kailangan ko ng masasandalan.

Siya rin ang dahilan
Mga tawa kong parang wala ng kinabukasan.
At kanya ring binigyang kulay
Aking napariwarang buhay.

Akin ngang naalala
Ako'y nakagawa rin pala ng pagkakasala
Ngunit ito'y hindi niya alam
Ano nga kayang kanyang pakiramdam?
Na ako rin ay naglihim sakanya.

Marahil ang nakaraan ay naulit
(History repeats itself)
Na ako'y nagkasala sakanya at siya ri'y nakagawa ng pagtataksil sa akin.
Ngunit sakabila nito, siya'y kaibigan parin
Kaibigang kailanma'y diko ipagpapalit.

Ikaw, maaari mo bang sabihin saakin kung sino, iyong kaibigan.
At sasabihin ko rin saiyo, kung sino nga ba ang totoong ikaw?


I do hope you get my point po. Read it again para ma gets niyo po yung pinapahiwatig ko sa naka 'italic' na phrase. Have a good day! ♡

Pasilip na mga Pahina (Poems)Where stories live. Discover now