Mula ngayon
Ika'y babalik sa pagitan ng kahapon
Ngayon at kinabukasan
Upang muling sariwain, ala-alang nagdaan,
Itamang muli, mga bagay na pilit gumagambala sa iyong kalamnan-na kailanma'y di nabigyan ng kasagutan.
Maaaring ang ngayon ay isang maskara
Ngiti'y dito'y kakikitaan-ngunit hindi lahat ng nakikita ay totoo.
Pagkat ang bukas ay isang magnanakaw,
Hindi tiyak, kailan ito'y sasalakay
Maaaring sa gabing madilim at mahimbing
O sa umagang ika'y gising ngunit walang sandata.
Kaya ang ngayon ay ating samantalahin,
Huwag nating hahayaang kinabukasa'y tayo'y abusuhin
Pagkat dalawa lang, iyong pagpipilian- Ang pagbitaw sa pag-asa o pagpapatuloy ng laban?
Wala sa mga tala o bituin sa itaas,
O mga anghel sa alapaap ang kasagutan
Ngunit nasa inyong mga kamay.
Kaya ika'y huwag magpapaapekto
Sa patibong dulot ng kinabukasan
Pagkat ito'y walang kasiguraduhan.
YOU ARE READING
Pasilip na mga Pahina (Poems)
PoetryMga pahinang maaaring makapanakit Tanging nais pagkakamali'y dina mauulit At mga pahinang magsisilbing leksiyon Pag-asa't kasiyaha'y ninanais na maging pundasyon ~A book is only started by the author; it is completed by the reader.~ ◌Combination of...
