◌Nakakikilabot na Anino◌

124 17 0
                                        

Bangungot na gabi-gabing kumakatok sa pinto ng nakaraan
Pinipilit itong pagbuksan
Ngunit aking pinipigilan kahit ako'y nasasaktan
Lalo na't sa panahong bumabalik, aking mga nakalulungkot na karanasan.

Mga sumpang walang kalunas-lunas
Iwaksi man ngunit patuloy parin sa pagbalik.
Mga karanasang tila larawang kupas
Na nagdulot ng pilat sa katawang nanghihina na.

Sa tuwing isasara ang mga mata
Nakakikilabot na anino'y aking nakikita.
At bumabalik sa isipan, katawang nakagapos
Leeg na nasasakal sa mga salitang tila sayo'y tatapos
At mga paang nakatali, tanging nais ay hindi ka makawala.

Maaaring aking ikamatay pag ito'y hindi nilayasan
Kaya ako'y mataimtim na nagdasal sa Kanya
At kanyang ipinamulat, mundong kinabukasang iniwan ang nakaraan.

Sumapit pa ang mga panahon,
At ito ngay nalimutan na.
Ngunit nag-iwan parin ng bakas dulot ng malalim na taga.
Sa kabila nito, ako'y may natutunan, "na sa Kanya ang takbuhan
Pag ika'y dinalaw ng kapaitan sa buhay o nalunod sa problema,
at ikaw nga'y kanyang iaahon".


Enjoy reading po!  I love you all! mwahh♡

Pasilip na mga Pahina (Poems)Where stories live. Discover now