◌Sugatan◌

224 32 3
                                        

Ilang beses ng nadapa.
Nawalan ng pag-asa.
Hindi pinagkatiwalaan.
Sinaktan, iniwan.
Niloko at nagpaloko.

Ilang beses na ring bumangon.
Di sumuko at lumaban.
Kahit pa maghapon,
Patuloy siyang nasasaktan.

Pinilit niyang di sumuko
Di nagpaapekto kahit delikado
Kung kaya't di siya sigurado
Buhay nga ba'y tuluyan ng sasarado?

Sugatan niya kasing puso't diwa
Dina alam kung ito'y kakayanin pa
Pighati't pagdurusa'y laging kumokontra
Imbes na kasiyaha'y ito'y mapasakanya.

Isa lang kanyang natutunan
Pipiliing pisikal na sinasaktan
Emosyonal na paghihirap kasi'y mas nakamamatay
Kaya ikaw, wag hahayaang ika'y mamatay
At laging piliing mabuhay.

Pasilip na mga Pahina (Poems)Where stories live. Discover now