Ako'y mapanglaw, umiiyak sa sulok ng kalsada
Karimlan na paligid saka may pusong nagdurusa
Bumugso malakas na ulan at ako'y nataranta
Patakbo na sana'y sano'y di sinasadyang nabangga.Ako'y napayapos sa matikas mong pangangatawan
Ibinuhos lumbay, kirot ng pusong nararamdaman
Sumasabay ang pagluha sa bumubuhos na ulan
Sinubukan kong tingnan, ika'y naglaho ng tuluyan.Kinabukasan ako ay umasa't ika'y hinintay
Kasa-kasama ang pusong puno ng galak at kulay
Ngiti mo'y aking nasilayan wari'y buhay na buhay
Niyakap ka ng mahigpit at sabay tayong naglakbay.Walang ligalig na magkasalikop ang mga kamay
Ako'y iyong isinama sa napaka-habang tulay
Aking pinagmasdan mata mong halos wala nang buhay
Ikaw nga'y agad na tumalon at kinitil ang buhay.Di nagdalawang isip at ako nga'y kusang sumunod
Puno ng labis na hirap at tuluyan nang nalunod
Paggising ko bumungad ang magulang kong nakaluhod
Umiiyak nang puno ng emosyon at sunod-sunod.Ako nga'y mataimtim at marahan niyang kinausap
Pinaliwanag yaring bibig at matang kumikislap
Di napigila'y umiyak at mahigpit siyang niyakap
Dagliang lumabas, tumakbo siya'y sabik kong hinanap.Isang masamang panaginip at ilusyon lang pala
Binatilyong nagpagapos sa pusong walang-wala
Napakasakit, nakapanlulumo pagkat wala na
Ginoong nagpabihag sa puso't tingkala kong tanga.Mahigit dekada na rin pala ang nakakalipas
Ala-ala't karanasan nami'y tuluyan ng kupas
Sa sobrang haba-haba ng taon ng aking madanas
Hapdi at sakit ng puso, ilusyong napakarahas.Ang tulang ito ay may sukat na 16-16-16-16. Proyekto kopo ito sa Filipino. Sana nagustuhan niyo po! ♡
YOU ARE READING
Pasilip na mga Pahina (Poems)
PoesieMga pahinang maaaring makapanakit Tanging nais pagkakamali'y dina mauulit At mga pahinang magsisilbing leksiyon Pag-asa't kasiyaha'y ninanais na maging pundasyon ~A book is only started by the author; it is completed by the reader.~ ◌Combination of...